Magulang ng 2 batang natagpuang patay sa kotse, dudang walang foul play
MANILA, Philippines - Nais ng mga magulang ng dalawang pitong taong gulang na batang lalaki na natagpuang patay sa loob ng isang nakaparadang kotse sa Naga City, Cebu na isailalim sa awtopsiya ang mga bangkay ng kanilang mga anak, sa gitna ng mga pagdududa na maaaring hindi aksidente ang nangyari. Ayon sa ulat, natagpuan ang mga bangkay ng magkakaibigang sina...
Pinoy workers, ikalawa sa pinakamasisiyahan sa Asia-Pacific — pag-aaral
MANILA, Philippines - Ikalawa ang mga manggagawang Pilipino sa listahan ng pinakamasisiyahang empleyado sa Asia-Pacific, ayon sa pinakabagong Workplace Happiness Index: Philippines 2025 ng Jobstreet by SEEK. Batay sa pag-aaral na isinagawa mula Oktubre hanggang Nobyembre 2025, lumahok ang mahigit 10,500 empleyado sa buong rehiyon, kabilang ang 1,000 Filipino workers na may edad 18 hanggang 64. Lumabas sa resulta na 77%...
Pagsamsam ng uranium ng Iran, kalos-toll fees sa Hormuz, iginiit ni Trump
MANILA, Philippines - Iginiit ni US President Donald Trump na kukunin ng Amerika ang stockpile ng highly enriched uranium ng Iran at tutol ito sa plano ng Tehran na maningil ng bayad sa mga barkong daraan sa Strait of Hormuz. Sa pahayag sa White House, sinabi ni Trump na hindi papayagan ng US na manatili sa Iran ang uranium na...
Basalasahan sa House committee leadership, ipatutupad
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng ilang komite sa Kamara matapos alisin sa kanilang leadership posts ang hindi bababa sa tatlong miyembro ng House of Representatives. Inaprubahan ng plenaryo ang mosyon ni Batangas Rep. Ryan Recto upang muling ikonsidera ang pagkakahalal kina Southern Leyte Rep. Roger Mercado at Agusan del Norte Rep. Dale Corvera bilang vice chairpersons...
Gobyerno, ‘di makikialam sa BARMM polls – OPAPRU
MANILA, Philippines - TINIYAK ng gobyerno na hindi ito makikialam sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakatakda sa Setyembre 14, 2026. Sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Sec. Mel Senen Sarmiento na ang hakbang ay bahagi ng “self-determination” na ipinagkaloob sa BARMM sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the...
Ian, no-show sa puntod ni Ate Guy na nag-bday!
Manila, Philippines - Nitong May 21, Huwebes ay birth anniversary ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Bilang pagdiriwang, nagtipun-tipon ang kanyang mga anak na sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth de Leon sa puntod nito sa Libingan ng Mga Bayani. Mismong si Lotlot ang nagbahagi ng larawan nilang magkakapatid. Naroon din ang isang anak niyang si Maxine, habang dumating si Matet kasama...
DOH: Pinoy crew ng hantavirus-hit cruise ship ‘di na kailangan mag-quarantine ulit sa PH
MANILA, Philippines - Hindi na kailangan sumailalim sa panibagong quarantine sa Pilipinas ang 38 Filipino crew members ng cruise ship na MV Hondius matapos nilang makumpleto ang 42-day quarantine sa Netherlands, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na sapat na ang naturang quarantine period upang matiyak na hindi nahawa ng hantavirus ang mga Pilipinong...
Pagkadulas ni Digong, “rare occasions” lang – ICC
MANILA, Philippines - Kinontra ng International Criminal Court (ICC) Registry ang pahayag ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na madalas umano itong nakararanas ng pagkahulog o pagkadulas habang nakakulong sa The Hague. Sa inilabas na public redacted filing noong Mayo 20, sinabi ng ICC Registry na “rare occasions” lamang nangyari ang mga insidente at ang kondisyon ni Duterte ay...
6 dam nananatiling nasa kritikal na antas sa kabila ng pag-uulan — PAGASA
MANILA, Philippines - Nananatiling nasa “critically low” level ang anim na pangunahing dam sa bansa sa kabila ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ayon sa state weather bureau, kabilang sa mga dam na nasa “critically low” level o mas mababa sa rule curve ang Angat, Ambuklao, San Roque, Pantabangan...
Tag-ulan posibleng magsimula sa huling linggo ng Mayo — PAGASA
MANILA, Philippines - Posibleng magsimula ang tag-ulan sa bansa sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sinabi ni PAGASA weather specialist Charmagne Varilla na batay sa forecast models ng ahensya, posibleng magsimula ang rainy season sa mga susunod na linggo. “Base sa pinapakita ng mga model, posible na...












