Gilas naghahanda na sa World Cup; Sotto ‘di inaasahang lalaro
CHICAGO – Galing sa isang magiting na tagumpay sa SEA Games sa Cambodia kung saan tinupad ng pambansang koponan ang pangakong bawiin ang gintong medalya sa basketball, naghahanda na sina coach Chot Reyes at Gilas Pilipinas para bumalik sa trabaho. "We resume practice next week," ani Reyes At habang pinapataas ng koponan ang paghahanda para sa 2023 FIBA World Cup kung...
14 kalsada sa NCR sarado sa repair – MMDA
MANILA, Philippines - Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Hunyo 2 na may ilang kalsada sa Metro Manila ang isasara sa trapiko para sa ikakasang repair ngayong weekend. Sa Facebook post, sinabi ng MMDA na sisimulan ang reblocking at repair alas-11 ng gabi ngayong Biyernes at tatagal hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, Hunyo 5. Kabilang sa mga...
Gymnast Labadan pasok sa world championship
MANILA – Siniguro ni Teen Breanna Labadan ang kanyang pagbabalik sa world championships nang magtapos na ika-siyam sa individual all-around finals ng 14th Rhythmic Gymnastics Asian Championships sa Ninoy Aquino Stadium kahapon. Nakabawi si Labadan, 16, mula sa shaky hoops outing para matapos ang malakas, na nagtala ng 110.40 points sa meet na inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines...
Nuggets wagi kontra Heat sa Game 1 ng NBA Finals
DENVER — Inilunsad ng Denver Nuggets ang kanilang unang kampanya sa NBA Finals sa kasaysayan ng prangkisa na may dominanteng 104-93 panalo laban sa Miami Heat noong Huwebes, na itinulak ng isa pang Nikola Jokic triple double. Umiskor si Two-time Most Valuable Player Jokic ng 27 points na may 10 rebounds at 14 assists para pamunuan ang Nuggets, na susubukang...
Halos 1K piraso ng corals, nasabat sa Laguna!
MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) - Environmental Crime Division (ENCD) ang nasa 999 piraso ng iba't ibang uri ng coral species at coral fragments sa Binan, Laguna. Sa operasyong ito, naaresto ang mga tagapangalaga nito na sina Diomedes Velasco, Judith Velasco at Jamille Velasco. Nag-ugat ang operasyon sa ulat na natanggap ng...
LTO registration validity, inihihirit na mas pahabain pa
MANILA, Philippines - Humihirit ang isang mambabatas na palawigin ang validity ng motor vehicle registration, kabilang ang sa mga motorsiklo. Inihain ni Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan ang House Bill 8438 o proposed “Extended Motor Vehicle Registration Act” na aamyenda sa bahagi ng Land Transportation and Traffic Code Act. Sa ilalim ng panukala, pahahabain ang validity ng certificate...
BI nagbabala vs pekeng OEC
MANILA, Philippines - NAGBABALA sa publiko si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco hinggil sa mga pekeng overseas employment certificates (OECs) sa pamamagitan ng online. Ang naturang babala ay matapos masabat ang mga bagong batch na papaalis na mga Filipino na nagpakita ng pekeng OECs. Iniulat ng BI travel control and enforcement unit (TCEU) ang pagka-aresto ng tatlong biktima na...
Paslit na naliligo sa ulan, nakuryente sa Samar
MANILA, Philippines - Patay ang 13-anyos na batang lalaki matapos makuryente habang naliligo sa ulan sa Barangay Cagmanipis Norte, Tinambacan District, Calbayog City, Samar. Kinilala ang biktima na si Eugine Gotido nang bumagsak sa lupa ang live wire mula sa poste ng kuryente, sakto sa kinaroroonan nito habang siya ay naliligo. Hindi napansin ng bata ang kable ng kuryente na naging...
PNP, AMLC sanib-pwersa vs financial crimes
MANILA, Philippines - Sanib-pwersa ang Philippine National Police (PNP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang paigtingin pa ang paglaban kontra money laundering at iba pang financial crimes sa bansa. Kasunod ito ng pakikipagkita ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa mga opisyal ng AMLC na pinangunahan ni executive director Mathew David sa Camp Crame, Quezon City kung saan pinagtibay...
Tag-ulan na! – PAGASA
MANILA, Philippines - Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang simula ng tag-ulan o rainy season sa Pilipinas ngayong araw, Hunyo 2. Ito ay makaraang makamit na ng ahensya ang ilang pamantayan sa pagdedeklara nito. Sa kabila ng pagsisimula ng tag-ulan, sinabi ng PAGASA na posible pa ring magkaroon ng mga panahon na mainit ang panahon o tinatawag na "breaks." Maaari itong tumagal...










