Teves nag-apply ng citizenship, political asylum sa Timor-Leste
MANILA, Philippines - Isiniwalat ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin C. Remulla nitong Biyernes, Hunyo 2 na nag-apply umano si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na tinaguriang “isa sa mga utak” sa pagpatay kay Gov. Roel R. Degamo, ng citizenship sa Timor-Leste. Sinabi rin niya na si Teves ay may nakabinbing apela sa Korte...
Alert Level 2 sa Bulkang Taal, ibinabala!
MANILA, Philippines - Ibinabala ng mga state seismologist nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 2, ang patuloy subalit mahinang aktibidad na nangyayari sa Bulkang Taal. Sa isang advisory na inilabas noong Biyernes, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na medyo "mahina ngunit tuloy-tuloy" na pagyanig ng bulkan ang naitala ng hindi bababa sa labinlimang seismic station ng Taal...
4.2M Pinoy nagutom sa bungad ng 2023
MANILA, Philippines - Aabot sa 16 porsiyento o tinatayang 4.2 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa unang quarter ng 2023. Batay ito sa resulta ng March 2023 OCTA First Quarter survey na inilabas nitong Biyernes, Hunyo 2. Humigit-kumulang 16 porsiyento o tinatayang 4.2 milyong pamilya ang nagpahiwatig na nakaranas sila ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan. Sinabi ng...
11.3M pamilyang Pinoy, pobre – sarbey
MANILA, Philippines - Tinatayang nasa 11.3 milyong pamilya o 43 porsyento sa bansa ang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap sa unang quarter ng 2023. Ayon sa “Tugon ng Masa” survey ng OCTA na isinagawa mula Marso 24 hanggang 28 sa 1,200 respondents, mas mataas ito kumpara sa huling quarter survey noong 2022 na 10.8M na pamilya, na naglagay ng...
1 patay, 77K indibidwal hagip ni #BettyPh
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kumitil ng isang buhay ang bagyong Betty habang mahigit 77,000 katao sa buong bansa ang naapektuhan nito. Ang pagkamatay ay patuloy pa ring bini-validate, dagdag ng NDRRMC. Sa pinakahuling ulat ng sitwasyon, sinabi ng ahensya na naapektuhan ni Betty ang 77,801 katao (21,586 pamilya) sa Cordillera Administrative...
10 tigok sa COVID; 1,442 pa sapul!
MANILA, Philippines - Nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 1,442 na kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, dahilan para tumaas ang nationwide tally sa 4,145,792. Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) ay nagpakita na ang bilang ng aktibong impeksyon ay bumaba sa 14,888 mula sa Huwebes na 15,418. Samantala, tumaas ng 1,961 ang kabuuang recoveries sa 4064,428. Sampung bagong pagkamatay naman ang...
Habagat magpapaulan sa OccMin, Palawan
MANILA, Philippines - Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa ang hanging habagat, iniulat ng PAGASA. Ang Occidental Mindoro at hilagang Palawan kabilang ang Calamian Islands ay magkakaroon ng monsoon rains dahil sa southwest monsoon na may flash flood o landslide na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan. Ang Metro Manila, Zambales,...
RAPISTS SA GRADE 10 IKULONG, KASUHAN NA
MAY kakaibang salaysay na mahalaga ang ginang-rape na Grade 10 sa Naga City, Cebu kamakailan. Ukol iyon sa pagpapalunok o pagpapainom sa kanya ng isang tableta at makaraan iyon, nahilo, nanghina at nakatulog na siya. Pero bago ito, sinabi niyang pinilit daw siyang painumin ng alak kaya nalasing din siya. Nang matagpuan ang biktima, nasa ibabaw ito ng tangke ng tubig...
PROTEKTOR NG DROGA MAHIRAP TIBAGIN
DISMAYADO si Sen. Ronald "Bato"Dela Rosa, chairman ng Public Order at Dangerous Drugs sa Senado at iba pang mambabatas sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa kontrobersyal na 'cover-up' ng halos isang tonelada ng shabu na nasamsam kay PEMS Rodolfo Mayo, intelligence officer ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group noong nakaraang taon. Kung napanood natin ang Senate inquiry, napikon na...
PAGHINA NG CPP-NPA
ANG puwersa ng Communist Party of the Philippines, New People's Army ay mahina na. 'Yan ang buong tiwalang inilahad ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, na siya ring tagapagsalita at namumuno sa Strategic Communications Office ng ahensiya. Ang sabi ni Malaya, 75 porsyento ng NPA guerrilla fronts ay nalansag na habang ang natitira ay 22 na lang sa...







