Gatchalian-led majority kinikilala ng mga relevant authorities – Lacson

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni Senador Panfilo "Ping" Lacson na wala nang dapat pagdudahan ang mga empleyado ng Senado kung sino ang kanilang susundin dahil kinikilala na ng Civil Service Commission at iba pang ahensya ang liderato ng grupong pinamumunuan ni Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Lacson na...

Kaso vs Recto, Ledesma sa P60B PhilHealth funds, ibinasura ng Ombudsman

0

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga reklamong plunder, graft, technical malversation, at grave misconduct laban kay Executive Secretary at dating Finance Secretary Ralph Recto at dating PhilHealth President at CEO Emmanuel Rufino Ledesma Jr. Kaugnay ang mga reklamo sa paglilipat ng ₱60 bilyong pondo ng PhilHealth sa National Treasury sa ilalim ng probisyon ng 2024...

Pagpapalawig sa P50/kilo presyo ng imported rice, inirekomenda ng DA

0

MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) ang 30 araw na pagpapalawig ng price cap na ₱50 kada kilo para sa 5% broken imported rice. Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Willie Ann Angsiy, tatalakayin ng National Price Coordinating Council (NPCC) ang mungkahi sa kanilang pagpupulong sa Huwebes. “We do not want to preempt any decision that will be made...

“Kraken of Destruction” ng ADB, binanatan ng CSOs sa ACEF 2026

0

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng malikhaing protesta ang mga civil society organizations na pinangunahan ng NGO Forum on ADB sa 21st Asia Clean Energy Forum (ACEF 2026) sa Mandaluyong City. Ipinakita nila ang isang malaking “Kraken of Destruction” upang batikusin ang umano’y papel ng Asian Development Bank (ADB) sa pagpapalala ng global energy crisis dahil sa patuloy na financing sa...

Mas matibay na seguridad nakakatulong sa turismo: BI

0

Habang patuloy na dumadami ang dayuhang turistang pumapasok sa Pilipinas noong ikalawang quarter ng 2026 kumpara sa parehong quarter noong nakaraang taon, binigyang-diin ng Bureau of Immigration (BI) ang kahalagahan ng seguridad sa mga paliparan at pantalan ng bansa."Kung mas matibay ang ating seguridad sa hangganan, lalo itong nakakatulong sa turismo ng bansa," pahayag ni BI spokesperson Dana Sandoval...

Higit 2,000 aftershocks naitala matapos M7.8 lindol sa Mindanao

0

MANILA, Philippines - Umabot na sa 2,023 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hanggang alas-7 ng umaga nitong Miyerkules kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao. Ayon sa PHIVOLCS, 528 sa mga aftershocks ang natukoy ang lokasyon, habang 47 naman ang naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar. Naitala ang lakas ng mga aftershock...

Taguig magpapadala ng rescue teams, K9 units sa lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao

0

MANILA, Philippines - Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig na nakahanda itong magpadala ng mga tauhan upang tumulong sa mga operasyon sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8. Ayon sa Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), naka-standby ang kanilang search and rescue personnel at K9 units para...

Nasawi sa M7.8 lindol sa Mindanao, umabot na sa 45 – NDRRMC

0

MANILA, Philippines - Umabot na sa 45 ang bilang ng mga nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa katimugang bahagi ng Mindanao noong Lunes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa pinakahuling situational report na inilabas Miyerkules ng umaga, naitala rin ang 487 sugatan at 17 katao na nananatiling nawawala. Sa kabuuang bilang ng...

ALAMIN: Mga kanseladong flights ngayong Miyerkules, Hunyo 10

0

MANILA, Philippines - Kinansela ang 20 biyahe ng eroplano papunta at mula sa General Santos City nitong Miyerkules habang nananatiling sarado sa commercial operations ang General Santos International Airport matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa mga apektadong flight ang mga operasyon ng PAL Express, Philippine...

PBBM, nagpahayag ng kasiyahan sa 2 bagong QC school buildings, nangako ng nationwide rollout

0

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng kasiyahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mabilis na pagkakayari ng dalawang bagong school buildings sa Quezon City. Nangako ang Pangulo na magtatayo pa ng mas maraming silid-aralan sa buong bansa para mabigyan ang mga mag-aaral ng mas kaaya-ayang learning environment. Inihayag ng Pangulo ang kanyang commitment sa isinagawang pag-inspeksyon sa 'newly completed school buildings'...