Magandang kalidad ng hangin naitala sa Negros Island Region
MANILA, Philippines - Ayon sa Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB), nananatiling “good” ang kalidad ng hangin sa buong Negros Island Region (NIR) batay sa monitoring noong Biyernes, 8 a.m. Sinabi ng DENR-EMB na patuloy nilang mino-monitor ang air quality sa rehiyon at walang nakikitang pagtaas ng polusyon sa ngayon. “The DENR-EMB Negros Island Region is...
PNP, naka-alerto sa paparating na Tropical Storm “Hagupit”
MANILA, Philippines - Inihayag ng Philippine National Police (PNP) noong Biyernes, Mayo 8, na naka-activate na ang kanilang disaster response preparations habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm “Hagupit.” Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., inutusan na ang mga police commander sa mga lugar na posibleng maapektuhan na ihanda ang kanilang...
Engkuwentro ng Army, NPA lehitimong operasyon – Negros Gob
NEGROS OCCIDENTAL, Philippines = Ipinagtanggol ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson noong Biyernes ang Philippine Army matapos ang engkuwentro laban sa New People’s Army (NPA) na ikinamatay ng 19 katao, at iginiit niyang ito ay isang lehitimong operasyon. Ayon kay Lacson, “We believe it was a legitimate encounter.” Aniya, hindi magagawa ng Army ang operasyon nang walang impormasyon mula sa...
UAE, nag-ulat ng bagong missile, drone attack mula Iran
DUBAI, UAE - Inihayag ng United Arab Emirates na nakapagtala ito ng panibagong missile at drone attack mula sa Iran noong Biyernes, na ikinasugat ng tatlong tao matapos i-activate ang air defenses ng bansa. Ayon sa UAE Defense Ministry, dalawang ballistic missiles at tatlong drones ang inilunsad ng Iran, na tinangka nilang i-intercept. Hindi pa malinaw kung lahat ay matagumpay...
Unang pagbabago sa ASEAN Charter, inaprubahan
CEBU, Philippines - Inaprubahan ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations ang Cebu Protocol to Amend the ASEAN Charter, ang kauna-unahang pag-amyenda sa charter ng bloc mula nang ito ay pirmahan noong 2007. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mahalagang hakbang ito para sa institutional reform ng ASEAN at para sa mas ganap na integrasyon ng Timor-Leste sa...
Mas mahigpit na regulasyon sa rooftop solar panels, itinutulak ng Meralco
MANILA, Philippines - Hinimok ng Manila Electric Company o Meralco ang mas mahigpit na regulasyon sa pag-i-install ng rooftop solar panels upang maiwasan ang maling pagkakabit na maaaring magdulot ng sunog. Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, hindi nila layuning pigilan ang paggamit ng solar energy, kundi tiyakin ang kaligtasan ng mga konsyumer. “It’s primarily a safety issue,” ani Zaldarriaga. “Isang...
28 lugar sa bansa, makararanas ng “dangerous” heat index
MANILA, Philippines - Aabot sa 28 lugar sa bansa ang makararanas ng “dangerous” heat index sa Sabado, Mayo 9, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Sinabi ng PAGASA na ang heat index na nasa 42°C hanggang 51°C ay kabilang sa danger level at maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kapag matagal na nababad...
Pyroclastic flow sa Mayon, normal lang — Phivolcs
ALBAY, Philippines - Nakapagtala ng lava flow collapse-fed pyroclastic density current (PDC) sa Mayon Volcano mula 2:28 p.m. hanggang 2:30 p.m. noong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Pero sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na normal lamang ito para sa Bulkang Mayon. "This is not really huge since the collapsed volume runout only reached 2,500 meters, and...
Oil tanker sa Gulf of Oman, sinamsam ng Iran
TEHRAN, Iran - Sinamsam ng Iran ang oil tanker na Ocean Koi sa Gulf of Oman dahil umano sa tangkang paggambala sa oil exports ng bansa, ayon sa Iranian state media. Ayon sa ulat, ang Barbados-flagged tanker ay may kargang Iranian oil at “was trying to harm and disrupt oil exports .... by exploiting regional conditions”. Ang tanker, na nasa ilalim...
Kasinungalingan ni VP Sara ukol sa gov’t funds, kinastigo ng Malakanyang
MANILA, Philippines - Kinastigo ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte para sa pagpapakalat ng misinformation at disinformation ukol sa sinasabing kakapusan ng pondo ng gobyerno. Sa pagsasalita sa mga mamamahayag sa Cebu, hinamon ni Palace Press Officer Claire Castro si VP Sara na magpakita ng ebidensiya na susuporta sa kanyang pahayag. “Sige hingin niyo muna yung ebidensya sa kanya at...












