Mga grupo, nagprotesta sa pagkasawi ng 19 katao sa anti-insurgency ops ng AFP sa Negros
MANILA, Philippines - Nagsagawa ng protesta ang mga progresibong grupo noong Biyernes sa harap ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo upang kondenahin ang anti-insurgency operation sa Toboso, Negros Occidental na ikinamatay ng 19 katao. Kabilang sa mga nasawi sina University of the Philippines student leader Alyssa Alano at community journalist RJ Nichole Ledesma. Iginiit ng...
Oil spill, namataan sa baybayin ng Guimaras; mga residente, pinag-iingat
GUIMARAS, Philippines - May naitalang oil spill sa baybayin ng Barangay Hoskyn sa Jordan, Guimaras nitong Sabado ng umaga, Abril 25, dahilan para magbabala ang mga opisyal sa mga residente at mangingisda na lumayo sa apektadong lugar. Ayon sa ulat, natuklasan ang oil spill bandang 7:05 a.m. malapit sa barangay hall at covered court, at nakaapekto sa bahagi ng Sitio...
2 minor eruption, pagtaas ng lindol naitala sa Taal Volcano
BATANGAS, Philippines - Nagpakita ng panibagong aktibidad ang Taal Volcano matapos maitala ang dalawang minor phreatic eruptions at pagdami ng seismic activity sa loob ng nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo, Abril 26. Sa umagang bulletin ng Phivolcs, naitala ang dalawang steam-driven eruptions o “pusngat” na tumagal ng 10 minuto (1:57 a.m....
2 lugar sa Calabarzon, posibleng umabot sa “danger” heat index
MANILA, Philippines - Inaasahang makararanas ng matinding init ang dalawang lugar sa Calabarzon sa Linggo at Lunes, Abril 26 at 27, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Batay sa 5 p.m. monitoring ng Pagasa noong Sabado, inaasahang aabot sa 43°C heat index ang Sangley Point sa Cavite City sa parehong araw. Samantala, sa Barangay Ambulong sa Tanauan...
Malakanyang ‘confident’ sa pagbabalik ni Zaldy Co sa Pinas
MANILA, Philippines - Sinabi ng Malacañang na “definitely confident” ang pamahalaan na maibabalik sa Pilipinas si dating kongresista Zaldy Co, ngunit nakadepende pa rin ang mga susunod na hakbang sa koordinasyon sa Czech Republic. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, “Kung Pilipinas lamang po ang pag-uusapan natin, definitely confident po tayo.” Dagdag niya, “Since mayroon pong ibang bansa na involve...
NBI handa na sa impeachment hearing ni VP Sara
MANILA, Philippines - Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na handa itong humarap sa House Committee on Justice hearing sa Abril 29 kaugnay ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, partikular sa umano’y pagbabanta niya kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay NBI Director Melvin Matibag,...
Iran, ‘di payag sa ‘maximalist’ demand ng US
ISLAMABAD, Pakistan - Binigyang-diin ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi ang posisyon ng Iran at mga pagtutol nito sa Estados Unidos habang patuloy ang pagsisikap ng Pakistan na maibalik ang usapang pangkapayapaan sa Gitnang Silangan. Ayon sa Iranian foreign ministry, “explained our country's principled positions regarding the latest developments related to the ceasefire and the complete end of the imposed...
Trump ligtas sa putukan sa White House dinner
WASHINGTON, USA - Nagkagulo ang White House Correspondents’ Dinner sa Washington, USA noong Sabado ng gabi matapos umanong marinig ang malalakas na putok ng baril habang dumadalo si US President Donald Trump. Ayon sa mga saksi at AFP reporters, nagtakbuhan at nagtago sa ilalim ng mga mesa ang mga bisita sa Washington Hilton Hotel. Agad namang rumesponde ang mga tactical...
2 Amerikano, kabilang sa 19 nasawi sa sagupaan sa Negros
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na dalawang Amerikano ang kabilang sa 19 na nasawi sa isang kamakailang sagupaan sa Negros. Ayon sa NTF-ELCAC, kinilala ang mga amerikanong sina Lyle Prijoles at Kai Dana-Rene Sorem. Si Prijoles ay umano’y may kaugnayan sa Anakbayan-USA mula 2012, at kapwa sila dumating sa Pilipinas...
Pag-freeze ng CA sa assets ni Romualdez, kinumpirma ni Remulla
MANILA, Philippines - Iniutos ng Court of Appeals (CA) ang pag-freeze ng mga ari-arian ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa flood control scandal, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla. Sa panayam, kinumpirma ni Remulla na si Romualdez ang tinutukoy na mambabatas sa freeze order na nakuha ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), bagama’t hindi siya...












