Home ENTERTAINMENT Nilinaw: TP lang ang nagsara, Tape, Inc., buhay pa!

Nilinaw: TP lang ang nagsara, Tape, Inc., buhay pa!

Manila, Philippines Nilinaw ng isang Tape, Inc. na ang programa nitong Tahanang Pinakamasaya lang ang nagsara, hindi ang mismong kumpanya.

Ang TP na predecessor ng Eat Bulaga ay prodyus ng nasabing production company na pag-aari ng mga Jalosjos.

Matatandaang nitong March 2, Sabado umere ang huling live telecast ng TP.

Pero nanatili pa rin itong nasa himpapawid hanggang March 8.

Ayon sa source, bago pa man daw nagsara ang TP ay inaayos na ng Tape, Inc. ang kanilang pagkakautang sa GMA.

Early reports indicated na aabot sa P800 million ang utang ng Jalosjos-produced noontime show.

Sa isa namang ulat ay sinasabing mas mababa lang, roughly less than P90 million.

The said amount reportedly represents the talent fees of celebrity hosts.

Kabilang din daw ang unpaid airtime fees.

Mas makabubuti raw na magpaalam ito sa ere kesa mag-accumulate ang arrears nito over the years.

Despite the cessation of TP, hindi raw ibig sabihing magsasara na rin ang Tape, Inc.

Depensa ng insider, dahil isang production company ang Tape, Inc. ay patuloy pa rin ito sa pagpoprodyus ng mga programa.

Maging ang severance fees daw ng mga empleyado ng TP ay inaayos na ng kompanya.

Tinatayang 130 ang bilang ng displaced talents at employees ng TP.

Samantala, naiulat na inaayos na rin ang paglipat ng It’s Showtime mula sa GTV sa GMA, sa mismong time slot na binakante ng TP.

Bago umere sa GTV, inayawan ng Showtime production ang dapat sana’y timeslot after Eat Bulaga sa TV5.

Ang inaabangang paglipat ng Showtime sa GMA ay kung ilarawan ng main host nitong si Vice Ganda ay “best days are coming!” Ronnie Carrasco III