Home OPINION NSC TUTOL SA PAGBUWAG NG NTF-ELCAC

NSC TUTOL SA PAGBUWAG NG NTF-ELCAC

INIHAYAG ng National Security Council ang mariing pagtutol nito sa mungkahi ng mga maka-kaliwa at komunistang-terorista na buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict  o NTF-ELCAC.

Ang panawagan na iyon sabi ng NSC ay ‘di kinakailangang sundin at pangalawa ay walang basehan.

Para sa NSC, ang NTF-ELCAC ang nakapagbago kung paano harapin nang tama ang pakikipaglaban sa mga komunistang-teroristang New People’s Army at kanilang mga kaalyadong grupo.

Katunayan, pag-uulat pa ng NSC, dahil sa NTF-ELCAC, nagapi nang tuluyan ang pwersa ng NPA na ngayon ay mayroon na lamang na siyam (9) guerilla fronts na tinatayang binubuo ng kulang-kulang isang libong armadong miyembrong nakakalat sa mga liblib na mga lugar.

“Peace is finally within our reach,” sabi nga ni NSC Asst. Director General Jonathan Malaya. Ngayon pa tayo titigil? Samantalang napakalaki nang nagawa ng NTF ELCAC.

Kaya nagngangangawa ang mga kaliwa o grupong kaalyado ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF dahil malaking tagumpay na ang nakamit ng NTF-ELCAC. At malapit na nitong wakasan ang matagal nang panggugulo ng mga pesteng ito.

Iyang mga nananawagan na buwagin na ang task force gaya ng Karapatan, Gabriela, and Human Rights Watch o HRW ang siyang dapat mawala. Sila ang mga panggulo ika nga. Wala namang magandang naitulong ‘yan sa ating bansa.

Kahit si Pangulong Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos, Jr. ay alam ‘yan. Kaya sigurado rin akong hinding-hindi niya susundin ang panawagang buwagin ang task force na siya niyang pinangungunahan bilang Chairman.