Home HOME BANNER STORY P142.8M shabu sa ketsup, nasawata ng PDEA sa QC

P142.8M shabu sa ketsup, nasawata ng PDEA sa QC

126
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang P142.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa mga lalagyan ng mayonnaise at ketchup sa isang operasyon sa Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong madaling araw ng Miyerkules.

Isinagawa ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service, PDEA regional office, at Philippine National Police Drug Enforcement Group.

Naaresto ang dalawang high-value target habang nagbebenta ng 500 gramo ng hinihinalang shabu sa isang ahenteng nagpanggap na buyer.

Sa isinagawang inspeksyon sa kanilang van at mga gamit, nadiskubre ng mga awtoridad ang 20.5 kilo ng shabu na nakatago sa mga lalagyan ng mayonnaise at ketchup.

“It’s impossible that there are only two people working behind this. It seems that they have other accomplices,” ayon kay PDEA spokesperson Joseph Frederick Calulut.

Nasamsam din sa operasyon ang iba pang drug paraphernalia.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here