Home METRO P4M iligal yosi, nasamsam; 1 arestado sa Dapitan City

P4M iligal yosi, nasamsam; 1 arestado sa Dapitan City

3
0
Image Representation Only

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang 41-anyos na lalaki sa Barangay Potungan, Dapitan City nitong madaling araw ng Hunyo 19 at nasamsam ang humigit-kumulang 70 master cases ng iligal na sigarilyo.

Ang suspek, residente ng Barangay Turno, Dipolog City, ay naaresto sa isang intelligence-driven operation ng Zamboanga del Norte Police Intelligence Unit katuwang ang iba pang law enforcement units.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang ₱4,011,000 ang halaga ng nakumpiskang illicit cigarettes batay sa Bureau of Customs standard market assessment.

Napansin din ng imbestigasyon na walang kinakailangang tax stamps at graphic health warnings ang mga nasamsam na produkto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here