Home NATIONWIDE P5M multa iskul na lalabag sa Anti-Hazing Law, ikakasa ni Escudero

P5M multa iskul na lalabag sa Anti-Hazing Law, ikakasa ni Escudero

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng isang lupon sa Senado ang Anti-Hazing Law sa halip na baguhin ang charter ng Commissioner on Higher Education upang makapagpataw ng parusa tulad ng P5 milyong multa sa paaralan na lumabag sa naturang batas.

Inihayag ni Senador Francis “Chiz” Escudero sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education na kanyang pinamumunuan na mas magandang amendahan ang Anti_hazing Law upang pagmultahin ang alinmang paaralan na sangkot sa hazing.

“I think it is better to amend the anti-hazing law instead of amending CHED’s charter and including it as part of the functions of CHED,” aniya.

Sa inihain na Senate Bill 2270, na inendorso ni Sen. Francis Tolentino, na naglalayong amendahan ang Section 8 ng Republic Act 7722 na magbibigay sa Commission on Higher Education (CHED) ng express power na parusahan at magtakda ng multa sa mga kolehiyo at unibersidad na hindi tumutupad sa kanilang statutory duty.

Ipinanukala nito na bigyan ang CHED ng kapangyariyan na pagmultahin ng P5-million ang alinmang paaralan na nabigong magsagawa ng kinakailangang oryentasyon at nabigong magsumite ng compliance rpoert sa CHED at Kongreso.

Kapag nabigo din ang kolehiyo o unibersidad na magsagawa ng information dissemination magiging dahilan upang upang tanggihan ng CHED ang autonomous status nito.

“Upon reading and study of the proposed measure filed by Sen. Tolentino, the chair thinks it’s better to amend the Anti-Hazing Law (or) Republic Act 11053 and insert the provisions being suggested in the Senate bill instead or in lieu of amending the charter of CHED in so far as his proposal is concerned,” ayon kay Escudero.

“For this purpose, chair hereby assigns Senate Bill 2270 to a technical work group and to closely coordinate with the office of Sen. Tolentino in order for a substitute bill to be drafted,” dagdag pa niya. Ernie Reyes