Home OPINION PAG-IBIG FUND HOUSING FAIR: MAS MURA NA SA RENTALS, CONDO UNIT...

PAG-IBIG FUND HOUSING FAIR: MAS MURA NA SA RENTALS, CONDO UNIT SA IYO PA

178
0

SA bawat patak ng pawis at oras na inilalaan natin sa trabaho, maging ikaw man ay isang empleyado rito sa Pilipinas, isang uni­pormadong personnel na nagbabantay sa ating seguridad, o isang Overseas Filipino Worker (OFW) na tinitiis ang lungkot sa ibang bansa, isa lang ang ating pangarap: Ang magkaroon ng isang lugar na matatawag nating “Akin Ito.”

Ngayon, ang pangarap na iyan ay hindi na lang drawing. Sa halagang P3,528 kada buwan, maaari ka nang magkaroon ng sa­riling 25sqm Condo Unit sa Crystal Peak Estates, Brgy. Del Carmen, City of San Fernando. Kung iisipin mo, mas mura pa ito kaysa sa buwanang upa sa isang maliit na apartment, at hamak na mas mababa kaysa sa mga bayarin natin sa kuryente o internet. Pero ang malaking pagkakaiba? Dito, ang bawat sen­
timong ibinabayad mo ay hindi napupunta sa bulsa ng iba, ito ay napupunta sa iyong investment.

Bakit ka dapat kumuha nga­yon sa Pag-IBIG Fund Housing Fair 2026?

Una, ito ay para sa iyong Ka­tiwasayan sa Pagreretiro. Isi­pin mo ang panahon na gusto mo na lang magpahinga at hindi na magtrabaho nang husto. Na­pa­ka­sarap sa pakiramdam na alam mong may sarili kang bubong na sisilong sa iyo nang hindi ka nag-aalala sa tumataas na upa taon-taon.

Pangalawa, ito ay Pamana para sa iyong mga Anak. Sa halip na resibo ng renta ang maiwan mo, isang titulo ng ari-arian ang maibibigay mo sa kanila, isang pundasyon na magagamit nila habang sila ay lumalaki at naghahanap ng sariling landas.

Pangatlo, ito ay Matalinong Investment. Sa ilalim ng 4PH Program, ang gobyerno na ang sumasagot sa malaking bahagi ng interes (3% lang!).

Bihira ang ganitong pagkakataon na ang gobyerno mismo ang gagabay sa iyo para maging homeowner.

Huwag hayaang lumipas ang pagkakataong ito. Yayain ang pamilya o ang inyong mga representative at pumunta sa HOUSING FAIR 2026 CENTRAL LUZON ngayong March 18–19 sa LausGroup Event Centre, City of San Fernando.

Para sa ating mga bayaning OFW

Matapos ang maraming taon ng pagtitiis at pangungulila sa ibang bansa, hindi ba’t ang pinakamasarap na gantimpala ay ang katiyakang may SARILING BAHAY na naghihintay sa iyong pagbabalik? Simulan natin ang 2026 nang may konkretong plano para sa kinabukasan.

Dahil ang tunay na tagum­pay ay hindi lang nasusukat sa laki ng kinikita, kundi sa tibay ng bahay na iyong ipinupundar. Kitakits tayo roon!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here