
NANAWAGAN na ang National Commission on Indigenous Peoples sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na alamin ang katotohanan sa pagkawala ni Bae Bibyaon Bigkay, ang lider ng Ata Manobo Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs).
Maging si Datu Bawan Jake Lanes, Executive Director ng Mindanao IP Council of Elders, ay bingyang diin ang kahalagahan nang paghahanap kay Bibyaon upang kahit papaano raw ay mabigyan ito ng parangal na naaayon sa kultura ng tribung Ata Manobo.
“Patay na ba talaga si Bae Bibyaon Bigkay o buhay pa? Kung patay na, nasaan ba ang kanyang katawan?,” ang kanyang pagtatanong.
December 2023, napabalitang pumanaw na si Bibyaon, at ang balitang iyan ay nanggaling sa Save Our Schools (SOS) Network. Alam naman n’yo siguro kung ano ang network na tinatawag na ‘yan. Kaalyado ng mga komunistang-terorista.
Eto ang mamingat, nangongo na tuloy ako. Wala kasing konkretong ebidensya ang ibinalita ng SOS Network. Kaya nanawagan ang NCIP para sa masusing imbestigasyon.
Sa kabilang banda, si Rurelyn Bay-ao, pinsan ni Bibyaon na dating CPP member na noong una ay umaaktong translator ng nawawalang IP lider, ay umapela na rin, sa pagsasamantala at paggamit ng CPP-NPA-NDF sa nga katutubo o indigenous people, partikular na ang kanilang tribu.
Isiniwalat ni Rurelyn ang pananamantala ng mga damuho sa kanila, ang paggamit sa mga IP para sa fundraising o pangngalap ng pondo ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, na ‘di naman sila binabahaginan.
Sabi pa ni Rurelyn, kung pwede lang magmura, ginawa na niya dahil sa sobrang galit sa pananamantala at ginawang pagkakitaan si Bae Bibyaon ng mga komunistang terorista.
Damuho talaga ang mga ito. ‘Di lamang naman si Bae Bibyaon sng ginawan nila nang ganyang pambababoy, maging ang ating mga kabataan ay sinasamantala nila ang mga murang isipan, pinaniwala sa mali nilang idelohiya at ginawang mandirigma sa kanilang pakikipaglaban at tangkang pang-aagaw ng pamahalaan.
Kung sinoman ang may impormasyon sa inyo ukol sa pagkawala ni Bae Bibyaon Bigkay, ang lider ng Ata Manobo, bukas ang pitak na ito, upang ‘di lamang mabigyan hustisya ang kanilang tribu, kundi papanagutin ang may kagagawan sa kanyang pagkawala.