Home NATIONWIDE Pagsisikap kontra baha pinalakas ng OCD, DPWH

Pagsisikap kontra baha pinalakas ng OCD, DPWH

MANILA, Philippines- Kapwa pinaigting ng Office of Civil Defense (OCD) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kani-kanilang mga pagsisikap at kakayahan hinggil sa flood mitigation sa pamamagitan ng pagpaplano ng flood control projects para sa mga pangunahing river basins sa bansa.

Sa katunayan, nakipagpulong si OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno sa technical experts at mga opisyal ng DPWH upang tiyakin ang pinagsamang interbensyon kasama ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagharap sa napakatagal nang problema sa pagbaha.

“Concerned agencies and stakeholders should work on eradicating any disconnect and integration of all interventions is crucial for better planning, implementation, and monitoring,” ayon kay Nepomuceno.

Sa ngayon, ang bansa ay nakararanas ng matinding epekto ng El Niño phenomenon subalit batid ng OCD ang pangangailangan para sa advanced planning upang tugunan ang problema sa pagbaha sa panahon ng tag-ulan.

Sa mga nakalipas na buwan, malaking bahagi ng Mindanao ang tinamaan ng malawakang pagbaha dahil sa epekto ng shearline, northeast monsoon (amihan) at low pressure area (LPA).

Nauna nang sinabi ng Malakanyang na kailangang ngayon pa lamang ay paghandaan na ang La Niña upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain, tubig at kuryente.

“There are several processes when it comes to creating a flood management program for areas susceptible to flooding,” ayon sa DPWH.

Kabilang dito ayon sa DPWH ang “development of a master plan that outlines its roadmap and framework; the conduct of a feasibility study; and the development of a detailed engineering design for the construction of flood risk management projects along river basins.”

Sa ilalim ng Executive Order No. 510 series of 2006, ang isang river basin control office (RBCO) ay nilikha sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan ang naturang tanggapan kasama ang DPWH ay marapat lamang na bigyang-katwiran ang mga umiiral na river basin projects.

Sa pakikipagtulungan sa DPWH at National Disaster Coordinating Council (ngayon ay NDRRMC), ang RBCO ay inatasan na bumalangkas ng “national master plan for flood control by integrating the various existing river basin projects and developing additional plan components as needed.”

Samantala, muling inihayag ni Nepomuceno ang matibay na suporta ng OCD para palakasin ang river basin management at iba pang hakbang para ibsan ang panganib ng pagbaha, lalo na sa mga itinuturing na “highly susceptible areas” sa bansa. Kris Jose

Previous articlePaglagda ni PBBM sa “No Permit, No Exam Prohibition Act” pinuri ni Bong Go
Next articleKelot tiklo sa rape!