Home OPINION PANAWAGAN NI PBBM SA PAGKAKAISA, PAKIKINGGAN KAYA?

PANAWAGAN NI PBBM SA PAGKAKAISA, PAKIKINGGAN KAYA?

PAKIKINGGAN kaya ng mga politiko, lalo na ang mga kongresman at senador, ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaisa at magtulungan na ang lahat para sa bayan lalo’t tapos na ang eleksyon?

Ang pitak na ito, oks lang, dahil sa hirap na dinaranas ng higit na nakararami.

Habang maayos ang kalagayan ng halos lahat ng mga pambansang empleyado na dalawang milyon, ang higit na nakararami, kasama ang mga empleyado ng local governmet units at nasa pribadong sektor, ay alanganin ang kalagayan.

Lalong hirap ang mga walang mapasukang permanenteng trabaho at tambay na milyon-milyon ang bilang.

Hirap halos lahat dahil nahaharap sila napakatatas na presyo ng mga bilihin at pagkain, gastos sa pag-aaral, presyo ng mga serbisyo gaya ng pamasahe at toll sa mga expressway at maraming iba pa.

Nasa 110 milyon Pinoy ang pinag-uusapan dito kaya aprub tayo sa pagkakaisa at pagtutulungan.

Pero para sa mga politikong nakatuon na ngayon ang mga mata at kaluluwa sa halalang 2028, sakaling matuloy ito, may makikinig pa kaya kay PBBM?

Hindi kaya magiging kanya-kanya ang lakad o kung maggrupo-grupo man, eh, ‘yung umupo sa Malakanyang ang magiging pangunahing target ng ng mga ito?

Halimbawa na lamang sa usaping impeachment na malapit nang ikasa.

Hindi pa usaping accountability o pananagutan sa kaban ng bayan ang pangunahing isyu kundi ang pagsira sa kinabukasan ni Vice President Sara Duterte na lumalabas na pinakamalakas na kandidato na Pangulo sa 2028.

Hindi accountability dahil walang pumapansin, halimbawa, sa mahigit P600 bilyong nalustay na pondo ng bayan laban sa baha simula noong 2023-2024 kumpara sa ilang milyong piso lang na pinalalabas ng mga kongresman na paglustay ng pondo ni VP Sara.

“Nasaan ang pondo rito?” tanong nga ni Senate President Chiz Escudero habang tinatalakay ng Senado nitong 2024 ang pinag-aawayang badyet para sa 2025.

Nakabibingi ang katahimikan ng mga kongresman, senador at taga-Palasyo ukol dito ngunit maingay pa sila sa manok na kutak nang kutak sa impeachment.