Home NATIONWIDE PH, US Marines nagsagawa ng tactical combat care drills

PH, US Marines nagsagawa ng tactical combat care drills

MANILA, Philippines- Nagsagawa ang Filipino at United States Marines medical troops ng “tactical combat casualty care” (TCCC) exercises bilang bahagi ng Marine Aviation Support Activity (MASA) ngayong taon, ayon sa Philippine Marine Corps (PMC) nitong Biyernes.

Sinabi ni PMC spokesperson Capt. Marites Alamil na umarangkada ang aktibidad sa Bonifacio Naval Station Grandstand, Taguig City noong Hunyo 12.

Nakibahagi ang PMC regular troops at reservists sa TCCC, kasama ang mga miyembro ng US Marine Corps, base kay Alamil.

“TCCC covers three phases: care under fire, tactical field care, and casualty evacuation procedures,” aniya, sinabi pang tampok sa event ang demonstrations at practical exercises sa TCCC.

Nakibahagi ang mga kalahok sa simulations upang makatugon sa sunog, masuri ang injuries at estado ng pasyente, maikasa ang tourniquets para sa massive bleeding, at madala ang mga pasyente sa ligtas na lugar.

Idinesenyo ang TCCC para makakuha ng kaalaman at kakayahan sa health emergency preparedness and response capabilities sa anumang sitwasyon sa real-world combat scenario.

Ang MASA, kasado mula Hunyo 3 hanggang 21, ay isang annual bilateral military exercise na nakatutok sa “mutual defense, strengthening relationships, and rehearsing emerging aviation concepts” RNT/SA