Home OPINION PHOTO OPS NG DOH SECRETARY, TOBACCO OFFICIALS, BINATIKOS

PHOTO OPS NG DOH SECRETARY, TOBACCO OFFICIALS, BINATIKOS

SA kabila ng pagtatanggol ng Malakanyang sa ginawang pakikisalamuha at pagpapakuha pa ng larawan ni Secretary Ted Herbosa sa mga opisyal ng isang malaking kompanya ng tobacco, gigil pa rin ang mga anti-smoking advocates sa kanyang ginawa.

Sabi ng Malakanyang, wala silang nakikitang mali sa pagpapakuha ng larawan ng kalihim sa mga opisyal ng tobacco company dahil hindi naman ito labag sa Civil Service Circular at hindi naman mismong kalihim ang tumanggap ng donasyon na hindi naman ipinagbabawal kaya hindi ito kasiraan sa imahe ng ahensya.

Pero sabi ng anti-smoking advocates, mukhang pinatunayan ni Herbosa na deserve ng Pilipinas ang Dirty Ashtray Award nang makipag-photo ops pa sa mga pinuno ng tobacco company na nagdonate ng apat na mobile clinics at isang water station para sa isang health project ng gobyerno.

Sa kanyang foreword sa 2021 Philippines Global Adult Tobacco Survey na inilathala ng DOH, sinabi ni Herbosa na kada taon ay 112,000 na Pilipino ang namamatay dahil sa sakit na dulot ng paninigarilyo na inilathala ng DOH lyo, at halos P210 bilyon ang nawawala sa ekonomiya taon-taon kaya nalilito ang anti-smoking advocates dahil hindi tugma ang sinabi ng kalihim sa kanyang ginawa.

Masakit din namang magparatang ang iba dahil sabi pa, sentido-komon lang naman daw na kapag top official ka ng DOH, hindi ka dapat nakikipagbuddy-buddy sa mga mismong kompanyang sumisira sa kalusugan ng taumbayan na sinumpaan mong pangangalagaan.

Common sense din daw na kaipokritohan at isang PR stunt lang ang pag-donate ng tobacco industry ng mobile clinics, dahil sila mismo ang dahilan ng pagkakasakit ng milyun-milyong Pilipino at naghihikayat ng adiksyon, maging ng kabataan, sa nakalalasong usok.

Ano pang aasahan natin kung kauna-unahan ang Secretary ng DOH na nakikipagmabutihan sa tobacco industry? At imbes na payuhan ang First Lady na humanap ng ibang partner para sa proyekto, literal na nasama pa tuloy sa litrato dahil sa judgment lapse niya.