Home OPINION PINAS LABIS NA MINAMALAS!

PINAS LABIS NA MINAMALAS!

172
0

HINDI kaya minamalas nang todo ang Pilipinas nating mahal?

KABIT-KABIT kasi ang mga problemang sumasalakay sa atin.

Isa sa mga problema ang tuloy-tuloy na pagmahal ng mga produktong petrolyo na pahirap sa lahat dahil bukod sa biktima nito ang mga motorista, pinatataas pa nito ang lahat ng presyo ng mga bilihin dahil ikinakarga ng mga negosyante ang dagdag-presyo sa petrolyo sa presyo ng mga kalakal.

Pang-anim nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang magaganap sa darating na Martes at inaasahang may dagdag-presyo na 70 sentimos sa bawat litro ng diesel, 95 sentimos sa gasolina at 25 sentimos sa kerosene.

Simula ng Enero hanggang sa Martes, nasa P10.90 na ang itinaas na ng presyo sa diesel kada litro, P8.15 sa gasolina, at P9.35 sa kerosene.

Lumalabas na hindi huhupa ang pagmamahal ng mga produktong ito hangga’t hindi matatapos ang iringan tungo sa digmaan ng United States at Iran na posibleng ikasara ng Strait of Hormuz na daluyan ng 27% ng langis sa buong mundo.

May 6 na barko nang hinarang na dumaraan sa Strait of Hormuz gaya ng 2 na hinarang ng Iran at 4 na hinarang ng India.

Bukod sa langis, naririyan din ang walang katapusang bangayan ng mga politiko sa mahigit P1 trilyong korapsyon sa flood control program lamang.

Mabuti sana kung lahat ng malalaking korap ay iniimbestigahan, idinedemanda at ikinukulong na ngunit nakagagalit at higit na masama na iniiwasang isama ang pinakamalalaking kawatan.

Naririyan pa ang tila pagsasara ng daan patungo sa malayang pagpili ng buong bayan ng mga bagong mamumuno sa bansa simula sa 2028.

Naririyan ang demandahan sa impeachment, pagkilos para sa Charter Change o kaya agawan sa pwesto sa kaguluhan kung may mangyaring hindi maganda kay Pangulong Bongbong Marcos bago matapos ang kanyang termino.

Pinakamasama, kung mananatili sa pwesto ang ngayo’y nabuking nang mga pinakamalalaking kawatan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here