Home OPINION PMAJ TIGNO: HUWARANG PULIS, WALANG PAGOD SA PAGPROTEKTA SA KOMUNIDAD

PMAJ TIGNO: HUWARANG PULIS, WALANG PAGOD SA PAGPROTEKTA SA KOMUNIDAD

327
0

HAPPY birthday Honey FEKRY DEWIDAR. Although we’re apart for now, still your special day is being remembered and celebrated in our hearts. Aside from the kids, you are the best gift Allah has given me.

************

BILANG isang mamamahayag na nagmamalasakit sa ating komunidad, labis akong natutuwa na may mga pulis na tulad ni Police Major Loreto Tigno. Ang kanyang dedikasyon at serbisyo ay tunay na kahanga-hanga at nagbibigay inspirasyon sa marami lalo na sa kanyang mga tauhan.

Kamakailan lamang, kinilala ng National Police Commission o NAPOLCOM si PMaj Tigno at ang kanyang mga kasamahan mula sa Station Drug Enforcement Unit ng Pasig City Police Station para sa kanilang matagumpay na operasyon kontra droga noong ika-17 ng Oktubre 2025. Sa operasyong ito, naaresto si Jay Dela Cruz y Sanchez, alyas “Budek,” at nakumpiska ang humigit-kumulang 13 gramo ng hinihinalang shabu, isang baril, mga bala, at marked money.

Hindi lamang ito isang simpleng operasyon; ito ay resulta ng kanilang walang kapagurang pagtatrabaho at dedikasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad. Si Tigno, kasama sina PCPT Mario Golondrina, PMSg Elton John M Ascaño, at PCpl Marvin L Tungcul, ay nagpakita ng tunay na kahulugan ng pagiging alagad ng batas.

Sa seremonya ng pagkilala na ginanap nitong Nobyembre sa NAPOLCOM Central Office sa Quezon City, pinuri ni Commissioner Ralph Calinisan ang mga pulis para sa kanilang dedikasyon sa tungkulin. Binigyang-diin niya na ang kanilang huwarang serbisyo ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at isang komunidad na malaya sa droga.

Sumasang-ayon ang inyong PAKUROT kay Commissioner Calinisan. Ang mga pagsisikap nina Tigno at mga kasama ay nagpapakita ng kanilang matibay na pangako sa paglilingkod sa publiko at pagpapatupad ng batas. Sila ay mga bayani na nagtatrabaho nang walang pagod upang protektahan tayo at ang ating komunidad.

Kaya, sa ngalan ng maraming kabataan at mamamayan ng Pasig, bilang bahagi ako ng National Capital Region Police Office Press Association, taos-puso akong nagpapasalamat kay PMAJ LORETO TIGNO at sa kanyang buong team. Ang inyong serbisyo ay hindi lamang isang trabaho, kundi isang bokasyon na may malaking epekto sa buhay ng mga Pilipino. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at tapat na paglilingkod sa bayan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here