Home OPINION PNP MABAGAL VS NARCO COPS?

PNP MABAGAL VS NARCO COPS?

SINABI ni Philippine National Police chief  P/Gen Benjamin Acorda Jr. na ipatutupad na nila ang pagtanggal sa pulisya ng mga heneral t koronel na tinanggapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ng courtesy resignation.

Matatandaang pinirmahan ni Presidente Marcos  ang pagbibitiw ng nasabing mga opisyal noong Hulyo 25 o isang araw matapos ianunsyo nito sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 24.

Pero kailan ba talaga dapat masibak bilang mga pulis ang tatlong heneral at 15 koronel na napatunayang sangkot sa droga batay sa malawakang imbestigasyon ng National Police Commission Ad Hoc Committee?

Ayon sa PNP chief, deemed resigned sila at nangangahulugang noon pang Hulyo 25 sila maituturing na wala na sa listahan ng mga pulis.

Sa kabilang banda, ligal ding proseso ang publikasyon sa diaryo, radio, telebisyon at online news ang pagpirma ng Pangulo at kung kailan na-publish ito, dito rin magsisimula ang bisa ng pagsibak.

Pero ikinakatwiran ng iba na kung kailan nila natanggap ang papel ng pirmadong dokumento ni Pang. Bongbong na karaniwang ipinararaan sa koreo, partikular ang Philpost, doon magkakabisa ang sibakan.

Mahigit isang linggo na simula noong Hulyo 25 ngunit lumalabas na nasa mga kampo pa ang mga heneral at pulis o kaya’y nasa kani-kanila nang mga tahanan sa loob o labas ng mga kampo o kaya’y nasa holding area ng mga kampo.

Kailan ba talaga ipatutupad ang rekomendasyong sibakan na inirekomenda ng 5-man advisory group makaraan ang malawakan at malalimang nitong imbestigasyon at nirebyu rin mismo ng Napolcom?

Sa huli, sisibakin at sisibakin pa rin ang mga pulis.

May mga nagsasabi sa mga sangkot na pulis na sila’y inosente ngunit masasabing may presumption of regularity ang advisory group at Napolcom at maging ang pagtanggap ng Pangulo sa kanilang pagbibitiw sa pwesto.

Sa ibang ahensya, gaya ng korte, na lang sila manindigang sila’y inosente sa akusasyon.