Home OPINION QUADCOM NABUWAG NA?

QUADCOM NABUWAG NA?

SINILIP natin, mga brad, ang mga nagpauso ng salitang “iko-contempt kita.”

Itong QuadCom kung tawagin ay binuo ng apat na komite sa Kamara: House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights and Public Accounts.

Tumayong lead chairman ng QuadCom si Congressman Robert Ace Barbers bilang pinuno ng komite sa Dangerous Drugs; Santa Rosa City Cong. Dan Fernandez para sa Public Order and Safety; Bienvenido Abante Jr. para sa Human Rights; at Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano para sa public accounts.

Lumalabas na nagpahinga na bilang kongresman si Barbers at pinalitan ito ng kanyang misis na si Bernadette para sa Surigao del Norte.

Gayundin na nag-graduate sa ikatlong termino nito si Paduano.

Itong si Fernandez, tila nadisgrasya ni mediaman Sol Aragones sa pagkagobernador sa Laguna habang tila nadisgrasya rin si Abante sa 6th District Manila ni Joey Uy.

Maagang sumuko si Fernandez na may 435,345 boto laban kay Aragones na may 501,092 boto.

Ito naman si Abante, tila nadisgrasya sa botong 48,415 ni Joey Uy sa botong 51,407.

Nakilala ang QuadCom sa pag-contempt sa mga taong inaakusahan nilang nagsisinungaling.

Pagdeklara nila ng contempt, agad na pinabibilanggo ang mga resource speaker nila at kabilang sa mga tinarayan ng contempt ang ilan sa mga tauhan ni Vice President Sara Duterte.

Sa susunod na Kongreso, magkakaroon pa rin kaya ng katulad ng QuadCom?

Lalo’t matapos ang halalang ito, mabilis namang lumalapit ang halalang 2028 presidential elections na ikinanginginig ng tuhod ng mga may tuhod.

Lalo na ang mga walang kapag-a-pag-asa na hindi nila muli mahahawakan ang mga pinakamakapangyarihang pwesto sa Malakanyang, Kamara at Senado.

Sa pagtingin ng iba, panggiba sa dapat gibain ang nangyari sa QuadCom na may kaugnayan sa halalang 2028 sa anomang paraan.

Election, impeachment…kahit ano.