AYON kay DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma na ang inisyatiba ng departamento ay bahagi ng pinaigting na pagsisikap na palakasin ang social dialogue at tripartite mechanisms sa national, regional, at industry levels.
“Sa mga nakalipas na buwan ay aming ni re-reactivate, ni re-reconstitute, at pinalalakas ang mga umiiral na tripartite council hindi lamang pang national, pati pang regional at iyong mga industriya na mayroong existing [tripartite councils].
Ang layunin ay upang maisulong ang tripartism, social dialogue, at consultation lalo na sa mga usaping may kinalaman sa mga manggagawa at namumuhunan sa anomang sektor na inyong kinabibilangan,” sabi ng kalihim ng DOLE sa ginanap ng pagpupulong noong 15 Agosto 2024 sa Intramuros, Maynila.
Binigyang-diin ni Kalihim Laguesma ang kahalagahan ng pagkakaroon ng muling pagpupulong ng Konseho dahil sa pagbabago ng tanawin ng trabaho sa industriya ng pagbabangko na gumaganap ng mahalagang papel sa ekonomiya.
Sumang-ayon ang mga kinatawan ng sektor na pahusayin ang representasyon ng Konseho, magdaos ng mga regular na pagpupulong at kumperensya sa industriya, at magsagawa ng mga panloob na konsultasyon upang palakasin ang pakikipag-ugnayan ng manggagawa at employer sa industriya ng pagbabangko.
Sumang-ayon din ang Konseho na idaos ang susunod na pagpupulong nito sa Setyembre.
Dumalo sa pulong ang mga kinatawan ng sektor ng paggawa mula sa National Union of Bank Employees (NUBE), Federation of Free Workers (FFW), Associated Labor Unions (ALU), National Association of Trade Unions (NATU), Federation of Unions in BPI Unibank (FUBU), Maybank Philippines, Inc. Employees Union (MPIEU), Philnabank Employees Association (PEMA), New Philippine Veterans Bank Employees Union (NPVBEU), at League of Independent Bank Organization (LIBO); at mga kinatawan ng sektor ng employer mula sa Bankers Association of the Philippines (BAP), Chamber of Thrift Banks (CTB), at Rural Bankers Association of the Philippines (RBAP).
Dumalo rin sa pagpupulong sina Undersecretary Atty. Benedicto Ernesto R. Bitonio, Jr. ng Labor Relations, Policy and International Affairs Cluster at Regional Operations Cluster; Undersecretary Atty. Felipe N. Egargo, Jr. ng Legislative Liaison and Legal Affairs Cluster at General Administration Cluster; Assistant Secretary Atty. Paul Vincent W. Añover ng Employment and Human Resource Development Cluster; National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselda R. Sy; Labor Arbiter and Bureau of Labor Relations Officer-In-Charge Atty. Maria Consuelo S. Bacay; National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Executive Director Atty. Maria Teresita D. Lacsamana-Cancio; at NCMB Deputy Executive Director Teresita E. Audea.