Home NATIONWIDE Readership sa mga Pinoy patuloy na bumababa – survey

Readership sa mga Pinoy patuloy na bumababa – survey

MANILA, Philippines – Mas kakaunting Pinoy ang nagbabasa, ayon sa 2023 National Readership Survey (NRS), isang poll na kinomisyon ng National Book Development Board (NBDB) at isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Bumaba ang bilang ng mga respondent na nagsabing nagbabasa sila bilang libangan, sa 42%, o 12-point decline mula sa resulta noong 2012 na 54%, ayon kay Kevin Ansel Dy, officer in charge ng NBDB Policy and Industry Research Division.

Sa media forum, sinabi ni Dy na kakaunti na lamang ang nagpakita ng interes sa pagbabasa sa dalawang dahilan: mas enjoy na nila ang “other leisurely activities more interesting to them” at “it was difficult [for them] to find time to read.”

Lumabas din na ang isa sa pinakamalaking konsiderasyon sa pagbili ng libro ay ang availability sa 59%.

Sa reading materials naman, karamihan ay mas gusto pa rin ang printed books (74 percent), sinundan ng printed newspapers (21), printed magazines (17), e-books at printed picture books (both 14), online fiction, katulad ng Wattpad (10), at printed comic books (9).

Ang wikang Filipino ang pinipili pa ring preferred language sa pagbabasa ng mga Pinoy.

Nangungunang genre ng libro ay ang Bible (64 percent), picture and children’s books (30), health, wellness, family and herbal medicine (28), short stories for children (27), romance (25), food, cooking, culinary arts and history (23), graphic novels o comics at leisure, hobbies and amusement (kapwa 21 percent), short stories at nobela para sa young adults (20), sinundan ng 13 iba pang unspecified genres.

Ang paborito namang may-akda ng mga mambabasa ay sina Dr. Jose Rizal (3.6 percent), Miriam Defensor Santiago (2.2), Gilda Olvidado (1.3), Jonaxx (1.2), Martha Cecilia at Maxine Gigi (kapwa 0.8 percent), Francisco Balagtas at Helen Meriz (kapwa 0.7), Chinkee Tan (0.6), Bob Ong (0.5), Dr. Willie Ong (0.2), at iba pang author sa 13.4 percent.

Mas mababa sa isang oras na lamang ang inilalaan na oras ng mga responden sa pagbabasa.

Sa kabila nito, sinabi ni Dy na karamihan sa Filipino adults ang ikinokonsidera pa rin ang pagbabasa bilang isang positive activity (89 percent) at pananaw na “the quality of the writing of most books made in the Philippines is high” (73 percent).

Inilarawan ng NBDB ang NRS bilang “the most comprehensive examination of Filipino adults’ reading habits and behaviors.”

Ang unang NRS ay isinagawa noong 2003. RNT/JGC

Previous articleKatawan ng lalaki nahati sa bumagsak na bato sa Batangas
Next articleLahat ng illegal na istruktura sa Chocolate Hills, alisin – DENR