Home OPINION SA PAG-UNLAD NG BAYAN, DISIPLINA AT IBA PA ANG KAILANGAN

SA PAG-UNLAD NG BAYAN, DISIPLINA AT IBA PA ANG KAILANGAN

257
0

TOTOONG epektibo ang kasabihang ito. Napatunayan na ito sa ilang bansa katulad ng Japan kung saan ang pagiging disiplinado ng mga hapones ang nagdala sa kanila sa katanyagan at kaunlaran. Siyempre kaakibat din nito ang kanilang pagiging magalang, pagmamalasakit sa kapaligiran, maagap sa mga meeting, katapatan at kasipagan.

Iilan na lang ba sa ating mga kababayan ang merong pag-uugaling ganito? Pasintabi sa mga masasaktan, pero ipakikita natin ating kasalukuyang reyalidad sa pamamagitan ng ilang halimbawa.

Kung disiplinado ang mga Pilipino, bakit araw-araw ang aksidente sa daan? Kung may displina, maiiwasan sana ang mga trahedya sa kalye at anomang aberya.

Maliban sa Japan, ganito rin ang paniniwala ng ilang kompanya sa United Kingdom. Alam ba ninyong hindi personal protective equipment o PPE ang last line of defense nila kundi “discipline” pagdating sa usaping hierarchy of controls? Tinatawag nila itong E.R.I.C.P.D o elimination, reduce, isolate, control, PPE at discipline na panlaban sa mga hazard sa working environment.

Kung napananatili ng mga Pilipino ang pagiging magalang sa isa’t-isa, bakit napupuno ang social media news feed tungkol sa mga pasaring o personal na mga pag-atake? Bakit nangyayari pa rin ang mga kaso ng road rage?

Kung nagmamalasakit tayo sa kapaligiran, bakit makalat pa rin sa ating pamayanan. Bakit hindi itapon sa wastong tapunan ng basura ang pinagbalatan ng kendi, empty na plastic bottled water at tetra pack, cigarette butt, chewing gum, industrial wastes, gamit na plastic container at iba pa?

Kung maagap lang sana lagi sa trabaho, maraming mapag-uusapan at magiging maagap din ang pagresolba, maraming matatapos na trabaho, makauuwi sa tamang oras at makapagpapahinga ng sapat.

Kung maraming tapat na mga Pilipino, wala sanang ginigisa ang komite ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso, walang scams sa mga business lalo na sa online shopping services o online banking, maayos at mabilis ang pagproseso ng mga papeles sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, walang graft and corruption at iba pa.

Kasipagan, ito na lamang ang natitira nating attitude na masasabi kong taglay ng karamihang Pilipino, pero sasapat na ba ito sa ating pag-unlad?

Gayahin natin ang mga bansang nabanggit sa itaas. Isa itong mabisang paraan para umunlad muli ang ating bansa. Mangyayari lamang ito kung magsisimula tayo sa ating mga sarili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here