Home OPINION ‘KRIMINAL’ BA SILA O ‘PULIS’?

‘KRIMINAL’ BA SILA O ‘PULIS’?

213
0

SA ika-9 na pagdinig ng ‘Quadcomm’ nitong Martes hinggil sa ‘Drug War’ noong panahon ni PDU30, lumabas ang partisipasyon ng Philippine National Police sa pagpatay kay Tanauan City mayor Tony Halili noong Hulyo 2018 at Los Baños mayor Cesar Perez noong Disyembre 2020.

Ang dalawang opisyal ay “minalas” na mapasama sa ‘Duterte Drug List’ bagaman personal natin itong hindi mapaniwalaan.

Bago sila pinaslang ay pareho ko pa silang nakakapanayam at naniniwala tayong wala silang kinalaman sa iligal na droga.

At katulad ng iba pang pagpatay na walang kasagutan, lumalabas sa pagdinig na mga pulis (na naman) ang pangunahing mga suspek.

Hindi pa nga malayong lumabas sa ‘Quadcomm hearings’ na sabit ang mga kriminal na pulis hindi lang sa mismong pagpatay bagkus, sa sumunod na ‘coverup.’

Partikular sa kaso ni Perez, naaawa tayo kay “Konsi” Norvin Tamisin na isinabit at kinasuhan ng PNP bilang pumatay kay Perez kahit mismo sila ay aminadong walang matibay na ebidensiya laban sa kanya.

Ganyan ang asal ng mga kriminal na pulis, mga kabayan. “Mag-aalay” ng kahit inosente sa “altar” ng ‘accomplishment,’ “ililigaw” ang imbestigasyon palayo sa kanila– habang sila rin ang “lalantak” sa ‘reward money’ at makakuha pa nga ng ‘promotion’ dahil ‘case solved’ agad!

Sa direksyon pa rin ng Quadcomm, sumesentro ang bintang dito kay P/Capt. Kenneth Paul Albotra ng Cebu PNP na hinihinalang kasama sa grupo ng mga pulis na “trumabaho” kay Halili at Perez na parehong nasawi mula sa bala ng M16.

Sa naunang testimonya ni ex-Cebu chief of police at Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma, “ipinagyabang” pa raw sa kanya ni Albotra ang partisipasyon nito sa pagpatay kay Halili. “Inosente rin kaya si Albotra?

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here