Home OPINION SAKOP NG NCAP DAPAT ALAMIN

SAKOP NG NCAP DAPAT ALAMIN

270
0

SIMULA sa araw na ito, dapat malaman ng lahat ng motorista ang mga kalsadang sakop ng sinasabing No Contact Apprehension Program o NCAP.

Inalis na ng Supreme Court ang temporary restraining order sa operasyon ng NCAP ngunit para sa mga kalsadang sakop lamang ng Metro Manila Development Authority at hindi sa mga city at municipal sa Metro Manila.

Layon ng NCAP na magkaroon ng disiplina sa kalsada na sa sustansya ay pagsunod sa traffic rules and regulations o patakaran sa trapiko upang maging maayos ang daloy ng trapiko at mabilis at ligtas na makarating sa kanilang paroroonan ang mga motorista, kanilang mga pasahero o kalakal.

Lalong kailangan umano ang disiplina o pagsunod sa mga patakaran dahil sa pagsasaayos ng EDSA nakaaapekto sa lahat.

Maraming usapin sa NCAP ngunit pangunahin munang alamin ng lahat ang mga kalsadang sakop nito.

Karamihan sa mga ito ang may tatak na C o Circumferencial Road at R o Radial Road.

C-1 HANGGANG C-6

Bahagi ng Circumferencial Road ang mga sumusunod:

C-1: Recto Avenue, Legarda Street, P. Casal Street, Ayala Boulevard, Finance Drive at P. Burgos Avenue;

C-2: Capulong Street, Tayuman Street, Lacson Avenue, Nagtahan Street, at Quirino Avenue;

C-3: 5th Avenue, Sgt. Rivera Street, Gregorio Araneta Avenue, South Avenue, Ayala Avenue at Sen. Gil Puyat Avenue;

C-4: Samson Road at Epifanio de los Santos Avenue (EDSA); at

C-5: North Luzon Expressway (NLEX) Segment 9 at 8.1, Mindanao Avenue, Congressional Avenue, Luzon Avenue, Tandang Sora Avenue, Katipunan Avenue, Col. Bonny Serrano Avenue, Eulogio Rodriguez Jr. Avenue, Carlos P. Garcia Avenue, C-5 Southlink Expressway, Kaingin Road at Carlos P. Garcia Avenue Extension;

Itong C-6, ginagawa pa at babagtasin ang Bulacan, Rizal, Taguig at Cavite.

R-1 HANGGANG R-10

Sakop naman ng Radial Roads ang mga sumusunod:

R-1: Manila–Cavite Expressway o mula Paranaque haggang Cavite; R-2: Buong Taft Avenue; R-3: Araneta Avenue na bahagi rin ng C-3; R-4: Osmeña Highway; R-5: Ito rin ang C5; R-6: Magsaysay Boulevard; R-7: Commonwealth Avenue; R-8: Andres Bonifacio; R-9: Rizal Avenue; at

R10: Del Pan, Marcos Highway, McArthur Highway.

Para mas malinaw, pwede namang tingnan ang mapa ng mga ito, kahit sa internet o magtanong mismo sa MMDA kung duda kayo sa mga hangganan o nakakabit sa mga kalsadang ito na sakop pa rin ng NCAP.

ROAD SIGNS AT TRAFFIC LIGHTS

Kabilang sa mga problema rito, mga Bro, ang labis na kakulangan ng mga road sign gaya ng para sa Mabuhay Lanes o linya na dapat tahakin ng mga iba’t ibang klase ng mga motorista.

Naririyan din ang mga napakabilis magpalit na ilaw mula sa green na Go patungo sa red ng Stop.

‘Yun bang === halos iglap lang ang yellow o kung minsan, walang magpakitang yellow bilang tanda ng pag-abante, paghinto, pagkaliwa o pagkanan.

Dapat ayusin lahat ito ng MMDA…kung hindi, lalabas na pera-pera lang ang NCAP, mabubusog at mabubundat ang gobyerno ngunit magugutom ang tao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here