Home NATIONWIDE Sama-samang pagkilos sa pagbabakuna, tinalakay

Sama-samang pagkilos sa pagbabakuna, tinalakay

MANILA, Philippines – Tinalakay ng ilang health socities, civic organizations at stakeholders ang kahalagahan ng pinagsama-samang pagkilos at kung paano naging pundasyon ng pampublikong kalusugan ang pagbabakuna laban sa mga sakit.

Sa pinakahuling Health Connect Media forum, sinabi ni Dr. Minerva Calimag, Presidente ng Philippine Medical Association na ipinagdiriwang ang ika-50th ng Expanded Immunization Program (EPI) ngunit binigyang-diin nito na higit pa sa 50 taon ang epekto ng bakuna sa atin.

Aniya, ang pagbabakuna ay napatunayan nang pinakaligtas at pinakamabisang paraan para pigilan ang pagkalat ng ilang mga sakit upang protektahan ang ating buhay.

Ipinakita ni DOH national Immunization Program Manager Dr. Janis Macazo ang pinakahuling datos na bahagyang tumaas ang Fully Vaccinated Child (FIC) mula 59.9 % noong 2022 sa 62.3% noong 2023.

Sa kabila nito, nananatili pa ring hamon ang pagprotekta sa mga vulnerable communities dahil sa natigil na routine vaccination noong pandemic lockdown.

Dagdag pa ni Macazoi na nais nilang paigtingin ang kanilang pagsisikap sa mga katutubo o grassroots level na layong mabakunahan ang 95% ng high-risk population lalo na sa mga bata upang makamit ang national immunization target.

Sinang-ayunan naman ito ni Dr. Fatima Gimenez, Immunization Committee Chair ng Philippine Pediatric Society ast nagpahayag ng suporta at hinimok ang lahat na tangkilikin ang bakuna at pakinggan ang pangangailangan ng komunidad.

“BARMM has a low coverage rate. Kulang tayo sa pakikinig, ano nga ba ang mga concerns? Let us Expand our reach,” ani Gimenez.

“We have an aging population. A large chunk of our populaton are those that belong to the workforce, and as we age, our immunity will weaken,” ayon naman kay Dr. Faith Villanueva, Adult Immunization Committee Co-Chair, Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases.

“Healthy aging requires a life course approach to immunization,” ani Dr. Shelley Dela Vega, Director ng Institute of Aging at inihayag na ang catch-up immunization ay hindi dapat limitado sa mga nakagawiang pagbabakuna sa mga bata dahil ang mga matatanda ay lubhang madaling kapitan din ng mga sakit dahil sa kanilang mahinang immune system.

Inihalimbawa rito ang Carmona City Local Government Unit na matagumpay na sumusuporta sa healthy aging kung saan nabigyan ng flu vaccination ang 97.8% ng kanilang senior citizens.

Binigyan-diin ng lahat government leaders, medical socities at civic organizations na wala kahit isa ang dapat na mamatay mula sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Hinikayat din nila ang mga Filipino na dalhin ang kanilang mga anak at mahal sa buhay sa health centers upang mabakunahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden