Home OPINION SERBISYO SA MALABONIANS ITUTULOY NI LLO SA KONGRESO

SERBISYO SA MALABONIANS ITUTULOY NI LLO SA KONGRESO

PAREHONG three-term city executives, ‘di maitatatwa na ang yumaong former Mayor Canuto “Tito” Oreta at pamangking former Mayor Antolin “Len Len” Oreta lll (kilala rin  sa tawag na LLO) ay political figures sa Malabon.

Pinamunuan ang lungsod ng halos dalawang dekada, unang nahalal si Mayor Tito noong 2004, sumunod ay 2007 at 2010 elections na walang naging kalaban  pero bago matapos ang pangatlong termino ay iginupo ng karamdaman.

Ang nalalabing ilang buwan sa city hall ay naipasa kay noon ay Vice Mayor LLO na tulad ni Mayor Tito ay ‘unchallenged’ din sa unang takbo sa pagka-alkalde noong 2013.

Sa sumunod na laban ay parehong napagwagian ni LLO ang  mayoralty post – tinalo ang ngayo’y Representative Jaye Lacson Noel  noong 2016 at  ngayo’y Mayor  Jeanie Sandoval noong 2019 election.

Matapos ang ikatlong termino noong 2022 ay nagpahinga si LLO sa pulitika pero ang pagbabalik sa 2025 election ay nagdulot ng  mainit na balitaktakan sa mga taga-Malabon.

Undefeated sa buhay pulitikang karera – naging Konsehal, Bise Alkalde at Alkalde, nais ni LLO na subukan ang kongreso sa kanyang pagbabalik bilang lingkod-bayan na ikinalito ng mga supporter.

Mayor ang sigaw ng mga Malabonian, pero nagdesisyon si LLO na sundan ang yapak ng yumaong inang Tessie Oreta na bago naging senador ay miyembro ng House of Representative.

Ang lungsod ay lubos na umunlad at umusad sa ilalim ng kanyang halos 10 taon na panunungkulan.

Kahit na nagtapos ang serbisyo ni LLO bilang alkalde noong 2022, hindi malilimutan ang mga  itinatag na inisyatibo at mararamdaman pa rin ang epekto ng mga programang nilikha sa mga susunod na taon.

Sa ilalim ng pamumuno, ang pamahalaang lungsod ay nagbigay ng mga benepisyo na nararapat sa bawat Malabonian – mula sa wastong serbisyong pangkalusugan, pagbawas sa kahirapan, paglaban sa malnutrisyon, pagbabago sa edukasyon, mga proyekto sa kabuhayan at marami pang iba.

Ang Malabon ay naging mas ligtas dahil sa pag-install ng street lights at CCTV sa mga estratehikong lugar.

Upang matiyak na hindi makararanas ng matinding pagbaha ang lungsod tuwing may bagyo ay  inayos ang mga flood control system.

Noong 2012, ang koleksyon ng pondo ay P400 milyon; ngayon umabot na sa P1.5 bilyon – tumaas ng 200 % na kita na inilalaan sa iba’t ibang proyekto para sa pag-unlad ng Malabon.

Ang 11-storey City Hall, Sports Complex, Ospital ng Malabon at Super Health Centers ay ilan sa mga proyektong imprastraktura na magpapanumbalik alaala sa tatak serbisyong Oreta.

Hindi man sa city hall na matagal na nakagisnang sentro ng kanyang paglilingkod, ang serbisyo niya sa Malabonians ay ipagpapatuloy sa kongreso, ayon kay LLO.