Home NATIONWIDE Shear line, easterlies, Amihan magpapaulan sa ilang lugar sa Pinas

Shear line, easterlies, Amihan magpapaulan sa ilang lugar sa Pinas

MANILA, Philippines- Inaasahang uulanin ang ilang parte ng bansa ngayong Lunes dahil sa shear line, easterlies at Northern Monsoon (Amihan), ayon sa PAGASA.

Nakaaapekto ang shear line sa eastern section ng Visayas, ayon sa weather bureau.

Nagbabadya sa Eastern Visayas, Capiz, Aklan, Iloilo, Bicol Region, at Romblon ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa shear line at easterlies.

Umiiral naman ang Northeast Monsoon sa Luzon ngayong Lunes.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon na sasabayan ng mahinang pag-ulan, habang inaasahan sa Metro Manila aat natitirang bahagi ng Luzon may ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains.”

Makararanas din ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Northern Luzon, Central Luzon, at sa eastern section ng Southern Luzon, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw ng alas-6:22 ng umaga at lulubog ng alas-5:59 ng hapon. RNT/SA

Previous article‘PI’ FUNDS GAMITIN SA RELOCATION SITES
Next articleSUPER EL NIÑO AT LA NIÑA PAGHANDAAN