Home METRO Sunog sumiklab sa residential area sa Mandaluyong

Sunog sumiklab sa residential area sa Mandaluyong

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Plainview, Mandaluyong City nitong Sabado ng umaga, Abril 20.

Ang sunog ay nagsimula alas-5 ng umaga sa Sto. Rosario Street.

Nagsanib-pwersa ang Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers para apulahin ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Idineklarang fire out ang sunog 6:02 ng umaga.

Labindalawang tirahan ang nasunog na pawang mga gawa sa light materials.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang pinsala sa ari-arian. RNT/JGC