Home HOME BANNER STORY Tapyas-presyo sa diesel, kerosene gugulong sa Martes

Tapyas-presyo sa diesel, kerosene gugulong sa Martes

MANILA, Philippines- Aarangkada ang mas mababang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo, sa pag-anunsyo ng mga kompanya nitong Lunes ng panibagong rollbacks sa ikatlong sunod na linggo para sa diesel at kerosene.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na tatapyasan nito ang presyo kada litro ng diesel ng P0.20, at kerosene ng P0.40, habang mananatili ang presyo ng gasolina.

Magpapatupad ng parehong adjustments ang Cleanfuel, maliban sa kerosene.

Epektibo ang adjustments ng alas-6 ng umaga ng Martes, Marso 18, para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng bawas-presyo ng alas-8:01 ng umaga sa parehong araw.

Hindi pa nag-aanunsyo ang ibang kompanya ng bawas-presyo. RNT/SA