Home OPINION TIBAY NG DIBDIB KAILANGAN SA WPS

TIBAY NG DIBDIB KAILANGAN SA WPS

284
0

TIKLOP-TUHOD tayong sumaludo sa mangingisdang nagpamalas ng buong tapang makaraang pinahabol nito ang mga rubber boat ng Chinese Coastguard sa Scarborough Shoal o mas kilala sa tawag na Bajo de Masinloc, batay sa orihinal na mapa ng bansa.

Walang binatbat ang makabagong sasakyang pandagat ng puwersa armada ng Tsino laban sa bangkang de motor ng Pinoy matapos makipaghabulan ito sa karagatang ‘yun na umani nang pagsaludo sa sambayan bunsod sa tibay ng dibdib ng mangingisdang pinasok ang nagkukumpulang mga dambuhalang barkong pandigma ng China.

Kunsabagay, likas na sa ating mga Pinoy na kapag taob na ang kalderong walang maipakain sa gutom na mga pamilya, sukdulang makipagpatayan tayo kahit sinoman upang kahit paano ay pansamantalang maitawid ang kumakalam na sikmura.

Ganito ang nararanasang ngayon ng libo-libong mangingisdang hindi na makapangisda sa teritoryo natin sa West Philippine Sea o WPS na tuluyan nang inangkin ng China sa gitna ng kaliwa’t kanang pagkondena ng taumbayan at iba’t-ibang bansangsumusuporta sa atin dahil sa  hayagang paglabag ng binabatikos na bansa  sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Bagaman bilang na lang daliri ang mga mangingisdang nakikipagsapalaran sa inangking teritoryo sa WPS, unti-unti nang nakakikita ng pag-asa ang mga kababayang mandaragat doon bunsod sa buo ang loob ng kasalukuyan administrasyon na ipaglaban ang karapatan ng sambayanan.

Kaya naman agarang tinanggal ng Philippine Coast Guard o PCG ang floating barrier sa WPS alinsunod sa ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr upang patunayan sa sambayanan na kayang ipaglaban nito ang karapatan ng bawat isa sa gitna nang pambabalahura’t pang-aapi ng China sa naturang karagatan.

Ibig sabihin, kapag buo ang tapang at matibay ang dibdib ng kapitan ng bangka, kayang sagupain nito ang anomang unos na daraanan sa paglalayag at hindi kailanman ito lulubog kaya naman masisigurong ligtas lagi ang mga pasahero nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here