Home ENTERTAINMENT Tiffany, suportado ng jowa sa paghuhubad!

Tiffany, suportado ng jowa sa paghuhubad!

Manila, Philippines – Kasama ng Vivamax star na si Tiffany Grey, Stiffany Banzon in real life, ang kanyang boyfriend sa private screening ng kanyang launching movie na Kamadora na ginanap sa Mowelfund.

Pinoy ang jowa ni Tiffany ngunit lumaki sa Guam kaya hindi marunong mag-Filipino.

Hindi man niya naiintindihan ang mga dialogue sa pelikula ay napanood naman niya ang mga maiinit na lovescenes ni Tiffany sa kanyang mga leading men na sina Victor Relosa, Junjun Quintana at Itan Rosales.

Ilang beses ding ibinuyangyang ni Tiffany ang kanyang malulusog na dibdob at iba’t ibang sexual positions din ang ginawa niya sa pelikula kasama sina Victor at Junjun.

Tanong: hindi ba nagselos ang kanyang boyfriend?

“Natawa lang ang boyfriend ko sa nga sexy scenes namin. Kapag kay bed scenes, sabi ko sa kanya ‘don’t watch.’

“Pero super supportive siya sa akin, wala siyang reklamo and siya pa nga ang nagpu-push sa akin sa career ko,” sabi pa ni Tiff.

Si Tiffany ay from Cebu and aminado siyang hirap na magsalita ng Tagalog. Galing siya sa pinaka-province ng South Cebu.

Kaya naman ‘yung kanyang dalawang naunang pelikula, ang Paupahan at My Father, Myself, ay may nag-dub sa kanyang boses.

Pero sa Kamadora ay boses na niya mismo ang narinig sa pelikula.

“Sobrang happy ako na hindi na ako pinag-dub ni Direk Roman (Perez). Hindi na binago ni Direk ang pagsasalita ko, kung paano ako magsalita talaga, ‘yun na ‘yun kaya first film ko ito na hindi ako ginamitan ng ibang boses,” masaya niyang kwento.

Nag-aaral pa rin si Tiffany ngayon gradutaing student na sa Philippine Acedemy sa kursong BS in Tourism.

Streaming na ang Kamadora sa August 11 sa Vivamax. JP Ignacio