Home HOME BANNER STORY Transparency sa power outages iginiit ni Tolentino sa NGCP

Transparency sa power outages iginiit ni Tolentino sa NGCP

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Senador Francis “Tol” Tolentino na dapat maging transparent at accountable ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga pagkawala ng kuryente.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy sa paulit-ulit na Panay blackouts, binanggit ni Tolentino ang umano’y paglabag ng NGCP laban sa franchise law nito.

“The bottom line here is Section 2 of RA 9511, what is required by ‘the common good.’ Ano po ba yung kailangan ng mga kababayan natin sa Panay? Kailangan po ba silang abisuhan? Kailangan po ba silang sabihan kung kailan mare-restore ang elektrisidad?” tanong ni Tolentino.

Ang Republic Act (RA) 9511 ay ang batas na nagbibigay sa NGCP ng prangkisa para makisali sa negosyo ng paghahatid o pagsu-supply ng kuryente.

“NGCP’s failure to immediately acknowledge the shortcomings in managing the Panay power outage further erodes trust and raises concerns about their commitment to transparency in addressing systems issues within their operations,” sabi ni Sen. Tol.

Hinikayat din ng senador ang mga stakeholder na dumalo sa pagsisiyasat na palakasin ang kanilang transparency efforts para sa mga power user.

“Iyon po siguro yung hinihintay at hinihiling nung ating mga kababayan nung napakahirap na tatlo o apat na araw na nagdaan nung Enero,” sabi ni Tolentino.

Kabilang si Senador Tolentino sa mga senador na naghain ng resolusyon para sa malawakang pagtatanong sa paulit-ulit na blackout sa mga probinsiya ng Panay.

Unang nangyari ang blackout noong Abril 2023 at naulit noong Enero 2. RNT

Previous articleChinese national arestado sa pagdukot, pagpatay sa POGO employee
Next articleDemolisyon ng BFP building tinutulan ng heritage advocates