Home OPINION TRUMP VS ICC AT GOBYERNONG MARCOS

TRUMP VS ICC AT GOBYERNONG MARCOS

11
0

SINIMULAN nang bakbakin ng United States ang International Criminal Court hanggang sa mabuwag ito o maparalisa bilang organisasyon.

Napakahalagang usapin ito sa atin sa Pilipinas lalo’t may kaso tayong sangkot dito, kasama ang kay dating Pangulong Digong Duterte at iba pa gaya ni Senador Bato dela Rosa.

Gaya ng alam ng lahat, pinakulong ng pamahalaang Marcos si Duterte sa ICC sa the Hague, Netherlands nang hindi dumaan sa mga lokal na korte habang pinaaaresto si Dela Rosa at pinangangambahan pang idadamay ang isa pang senador at dating ibang mga opisyal ni Duterte na inaakusahan ng crime against humanity kaugnay ng war on drugs.

Kung mabubuwag ang ICC o mapaparalisa, maaaring lalaya si Duterte at mapawawalambisa ang mga warrat of arrest laban kay Dela Rosa at iba pa.

Maaaring susunod na lang ang pagsasampa ng kaso mismo sa mga hukuman sa loob ng ating bansa at dito sila litisin.

PANDAIGDIGANG AKSYON VS ICC

Sa ngayon, sinimulan na ng US ang kampanya nito sa pagbabakbak sa ICC at sa kautusan ni US President Donald Trump, pinangungunahan ni Secretary of State Marco Rubio ito.

Sinasabi ni Trump na dapat nang alisin ng mga kaalyadong bansa ng US ang mga pampulitika at pampinansyal na suporta sa nasabing korte.

May kondisyon na kung hindi susunod ang mga kaalyadong bansa, maaaring itigil ng US ang anomang suportang ibinibigay nito sa kanila gaya ng suportang military, pinansyal, teknolohical at iba pa.

Hindi dapat umanong maghari ang ICC at pakialaman ang soberenya at kalayaan ng iba’t ibang bansa, sapul ng kani-kanilang mga mamamayan.

Kung kailangang hanapan ng hustisya ang mga mamamayan ng ibang bansa, dapat umanong pairalin ang mga sistemang pangkatarungan sa kanya-kanyang bansa at hindi sa ICC.

Nilikha lang umano ang ICC ng ibang mga bansa na may mga interes na kolonyal na nasasagasaan kaya isa itong organisasyong gamit laban dito.

Sa malapit nang pagpupulong ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations meeting, darating umano si Rubio para isamang pag-usapan ang pagkalas ng mga bansang ASEAN sa ICC.

Matatandaang walang miyembrong bansa mula sa ASEAN bukod sa Cambodia.

Hindi rin miyembro ang US, China, Russia, India, Israel, North Korea at Turkey at habang bagaman aprub ang mga bansang Egypt, Iran at Syria, hindi naman sila pirmado sa tratado rito.

MGA PARUSA NG US VS ICC

Sa ngayon, tablado ang ICC sa US sa pinansyal dahil naka-freeze o hindi magagamit ang lahat ng kanilan ari-arian sa US ng mga opisyal, huwes at prosecutor.

Parurusahan din ng US ang sinomang indibiduwal, unibersidad, non-profit organization at non-US bank na magbigay ng anomang tulong, kahit pinansyal o pag-asiste sa mga imbestigasyon ng ICC laban sa US o mga kaalyado nito.

Bawal ding pumasok sa US ang lahat ng ICC personnel, kasama ang kanilang mga asawa and anak.

Binabantaan din ng US ang lahat ng bansang nakikipagtulungan sa ICC na mawalan ang mga ito ng anomang suporta mula sa US.

PAMAHALAAN MARCOS, ANO NA?

O ano na ang masasabi at gagawin ngayon ng pamahalaang Marcos sa kampanya ng US laban sa ICC na lubos nitong tinutulungan laban sa mga Duterte at mga kaalyado nito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here