Home NATIONWIDE Ultra Lotto 6/58 jackpot muling nasungkit!

Ultra Lotto 6/58 jackpot muling nasungkit!

MANILA, Philippines- Wagi ang isang mananaya ng jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 nitong Biyernes, sa ikalawang pagkakataon na nasungkit ang top prize ngayong linggo.

Ang maswerteng kombinasyon ay 50-46-57-40-04-19 nahulaan ng Ultra Lotto 6/58 bettor na nagkamit ng P49,500,000 nitong Biyernes.

Nito lamang Martes, napanalunan ng Ultra Lotto 6/58 bettor ang P87,051,450.20 sa kombinasyong 18-22-30-55-26-05.

Isinasagawa ang Ultra Lotto 6/58 draws tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

Wala namang nagwagi sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes. RNT/SA