MANILA, Philippines – ISANG lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa at pangmomolestiya ang nalambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Llano Police Sub-Station 7 hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Bong na kabilang sa Top 5 Most Wanted Person ng Caloocan police.
Katuwang ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Intellligence Section ng Caloocan police, agad nagsagawa ang SS7 ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusdo dakong alas-2 ng madaling araw sa kanyang tinutuluyang bahay sa Blk. 7, Villa campo, Bagbaguin ng lungsod.
Ani Col. Lacuesta, dinakip ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Briones ng Family Court, Branch 1, Caloocan City para sa kasong Rape at (Acts of Lasciviousness) in relation to Sec. 5 (B) of RA 7610.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan