Home ENTERTAINMENT Wax figure ni Pia, nilait!

Wax figure ni Pia, nilait!

Singapore – Haters and bashers alike of Pia Wurtzbach are at it again!

Sa pagkakataong ito, pinuntirya naman nila ang wax figure ng Miss Universe 2015 sa Madame Tussauds sa Singapore.

Around 50 fans were accommodated sa unveiling nito na dinaluhan mismo ni Pia.

Nagkaroon ng greet-and-meet encounter with the beauty queen herself.

Siyempre, nagpasalamat si Pia sa mga 50 kataong ‘yon who flew in for the event.

Tinawag ni Pia na “Pia 2” ang kanyang kambal at the event which she described as so much fun.

‘Yun nga lang, sadyang may mga nambasag ng trip.

Isang obvious hater ang nagtanong kung relevant ba sa panahong ito ang magkaroon ng wax figure.

“Oo!” ang diretsong tugon ni Pia.

Halatang naghahanap talaga ng butas ang mga bashers niya.

Isa roon ang pagkuwestyon kung bakit kokonti lang daw ang mga taong dumalo.

Depensa naman ng isang pro-Pia, hindi naman daw premier night ng pelikula ‘yon o concert.

Ang alam lang daw ng mga maka-Pia, kung sinuman daw ang “minamanok” nilang personalidad, sorry na lang ang mga ito dahil wala siyang wax figure sa Singapore!

Maging ang “inosenteng” wax figure ay hindi rin nakaligtas sa pamba-bash.

Kesyo mallit daw ang boobs nito, mallit din daw ang mga mata at kung anu-ano pang kapintasang “mema” lang.

Ang wax figure ni Pia ay on display hanggang September 1 sa Madame Tussauds sa Singapore. Ronnie Carrasco III

Previous articleP7.3B pekeng produkto nasamsam ng BOC
Next articleFishing boat nabangga ng passenger vessel; 1 nawawala; 27 nasagip