Home OPINION YAKAP PROGRAM: LIBRENG KONSULTA, LABS, GAMOT, INILUNSAD SA SSS DILIMAN

YAKAP PROGRAM: LIBRENG KONSULTA, LABS, GAMOT, INILUNSAD SA SSS DILIMAN

186
0

ISANG makasaysayang hakbang para sa kalusugan ng mga manggagawang Filipino ang inilunsad ngayong March 12, 2026. Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., pormal nang binuksan ng Social Security System (SSS) at Philippine Pharma Procurement, Inc. (PPPI) ang PhilHealth Yaman ng Kalusugan (YAKAP) primary care services sa loob mismo ng SSS Diliman Branch, East Avenue sa Quezon City.

Sa pangunguna nina SSS Pre­sident at CEO Robert Joseph M. De Claro, PPPI President at CEO Maria Blanca Kim B. Lokin, at PhilHealth Vice President Wal­ter Bacareza, isinagawa ang walkthrough sa kauna-unahang Pambansang Botika at Bakuna Para sa Mamamayan Phar­macy. Ang proyektong ito ay bunga ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PPPI at Life Sa­­ver Medical Services, isang PhilHealth-accredited provider, para ilapit ang serbisyong medikal sa mga tao. Kasama rin sina VP for NCR North Fernando Nicolas, Diliman Branch Mana­ger Araceli Cruz Gibe, Assistant Branch Manager Jasper de Guz­man, Emmanuel Marciano at He­len Navarro.

Ano ang mga benepisyong makukuha?

Ayon kay VP Fernan Nicolas, umaabot sa 4,000 hanggang 5,000 miyembro at pensioner ang bumibisita sa SSS Diliman araw-araw. Dahil sa “co-location” ng YAKAP services, ang mga eli­gible beneficiaries ay maaari nang makakuha ng sumusunod nang walang karagdagang gastos o biyahe:

– Libreng Konsultasyon sa mga YAKAP physicians.

– Libreng Laboratory Tests at diagnostic services.

– Libreng Gamot: Access sa 75 essential medicines na sakop ng YAKAP Program at direktang isusuplay ng PPPI.

Kahit na ang mga pensioner at SSS members ang panguna­hing benepisyaryo sa site na ito, ang serbisyo ay bukas para sa lahat ng registered PhilHealth members. Para sa mga walk-in na kliyente na hindi pa rehistrado sa programang YAKAP, may mga nakahandang personnel sa branch upang tumulong sa on-site registration.

Maaari ring mag-register sa pamamagitan ng eGovPH App, PhilHealth Member Portal, o sa anumang opisina ng PhilHealth.

Binigyang-diin ni President De Claro na ang inisyatibong ito ay nagpapalawak sa serbisyong maibibigay sa mga senior citizen at manggagawa.

Sa kabi­lang banda, ipinahayag ni Kim Lokin na ang PPPI ay layon pang buksan ang franchise ng Pambansang Botika sa publiko para mas mapalawak ang access sa abot-kaya at de-kalidad na gamot sa buong bansa.

Ngayon, ang pagpunta sa SSS ay hindi na lamang para sa pensyon o loan, ito ay para na rin sa iyong kalusugan. Isang tunay na “yakap” ng kalinga para sa ba­wat Filipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here