Home HOME BANNER STORY Animal group may payo sa pwedeng gawin kapag may peligro sa aso

Animal group may payo sa pwedeng gawin kapag may peligro sa aso

MANILA, Philippines – UPANG makaiwas pinayuhan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) nitong Miyerkoles ang publiko kung ano ang gagawin sakaling magdulot ng pananakot sa kanila ang isang aso kasunod ng mga ulat ng isang labrador retriever na sinaktan hanggang mamatay sa Camarines Sur.

Sinabi ni PAWS executive director Anna Cabrera na dapat tumawag ang mga concerned citizen sa city veterinarian office o city pound para mahuli ang nagbabantang aso.

“So, kapag mga asong gala or posing as a risk to health or property, halimbawa dahil may nangangagat, puwedeng tawagan lang iyong city veterinarian office niyo o city pound. Sila po yung may expertise kung paano hulihin ito,” dagdag pa nito.

Gayunpaman, kung ang aso ay nasa akto ng pag-atake sa isang tao, sinabi ni Cabrera na dapat na nilang ipagtanggol ang kanilang sarili.

“Unless, yun na nga, actually, in the act na inatake na po kayo at kailangan niyo na pong depensahan ang sarili niyo,” dagdag pa nito.

Sa kaso ni Killua, ang tatlong taong gulang na aso na sinaktan hanggang mamatay ng isang kapitbahay, sinabi ni Cabrera na ang tatlong elemento ng pagtatanggol sa sarili ay wala sa sitwasyon.

Ang mga elementong ito ay: labag sa batas na pagsalakay; makatwirang pangangailangan; at kawalan ng probokasyon sa bahagi ng taong nagtatanggol sa kanilang sarili.

“Dito sa case na ito, makikita na iyong tatlong elements ng self-defense ay hindi naman present…In this case, puwede namang itawag sa city pound. Over or OA iyong ginawa at hinabol pa iyong aso,” dagdag pa nito.

Dahil sa pagpatay sa aso, sinabi ni Cabrera na maaring maharap ang suspek ng hanggang dalawang taong pagkakakulong at multang aabot sa P100,000. Santi Celario

Previous articleBrutal na pagpaslang sa asong si ‘Killua’ kinondena sa Senado
Next articleAbogado kumpyansang mapapawalang sala si Quiboloy