Home OPINION TOP PERFORMING SSS BRANCHES, KINILALA NI PCEO MACASAET

TOP PERFORMING SSS BRANCHES, KINILALA NI PCEO MACASAET

PINANGUNAHAN ni SSS o Social Security System President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang pagbibigay ng komendasyon sa limang sangay ng ahensiya na nalagpasan ang kanilang coverage targets nitong January 2024.
Tumanggap ng pagkilala si Emelia Solinap ng SSS Bago na nahigitan ang kanilang target ng 658%.
Kabilang din ang SSS Talisay, SSS Pasay City/CCP complex, SSS Mandaue, at SSS Cebu – NRA na pinamumunuan nina Ma. Cleotilda Cabanero, Joel Loyola, Gemma Caberte, at Ma. Judy Go ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang nasabing SSS branches ang siyang dahilan ng 5% ng coverage target na 185,581 at 3% ng kabuuang bagong miyembro ng SSS na umabot sa 314,507.
Target ng SSS na maitaas sa 56 milyon ang bilang ng mga Pilipino na magiging miyembro ng State pensioner hanggang sa taong 2028 o sa pagtatapos ng termino ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr.
Sa kasalukuyan ay nasa 41 milyon ang kabuuang miyembro ng SSS ngunit nasa mahigit 20 million lamang ang aktibong nag­huhulog ng buwanang pensyon.
Ayon kay Macasaet, maganda kung madaragdagan ang mga miyembro ng ahensiya dahil mas maraming nagbabayad na miyembro ay mas hahaba ang actuarial life nito.
Inilunsad ni PCEO Macasaet ang isang agresibong kampanya ng pagpaparami ng mga miyembro kaugnay sa mandato nitong universal and and equitable social protection at masuportahan ang financial viability ng institusyon.
Binigyang pokus ng kinilalang branches ang mga self-               employed at mga nasa informal sector.
Ipinapaalam ng SSS sa mga miyembro nito na maaari nang ma-download sa inyong mga telepono ang newest feature ng DAEM o Disbursement Account Enrollment Module.
Libre itong ma-download sa Google Play store, Apple App store, at Huawei App Gallery.
Kung mayroon kayong mga katanungan o gustong malaman kung papaano mag-apply ng salary loan o kaya may mga utang hindi pa nababayaran, huwag kayong mag-atubiling magpadala ng mensahe sa HILDA ONG AGARANG SERBISYO LADY at asahan po na ipararating namin ito sa SSS.
Ito ay bahagi ng ating pagbibigay ng serbisyo publiko at sa hangarin ng SSS na kayo ay mapaglingkuran.

Previous articleUN Special Rapporteur binigyan ng go-signal ng SC na lumahok sa cyberlibel case vs Maria Ressa
Next articleANG HOMECOMING NI TEVES