Home OPINION PROTEKTADONG WELL-ORGANIZED CRIME GROUP SA BATANGAS CITY

PROTEKTADONG WELL-ORGANIZED CRIME GROUP SA BATANGAS CITY

ISANG alis “Buloy” ang ‘talk of the town’ sa  lalawigan ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas  at ito ay hindi dahil sa kawanggawa kundi dahil sa hindi masawatang operasyon ng pinamumunuang crime group.

Bulag, pipi at bingi ang pamunuan ni Police Provincial Director P/Col Samzon Belmonte bagaman “kasuhan sa korte at ikulong” ang sigaw ng mga Batangueño.

Si Buloy ang itinuturong lider umano ng malaking sindikato ng multi-million petroleum pilferage o paihi na kumikilos hindi lang sa Batangas subalit sa buong Region 4A o CALABARZON.

Mismong sa loob ng Philippine Port Authority malapit sa gate ng Batangas Port ang sentro ng operasyon ni Buloy at kanyang grupo. Sakop ng Barangay Sta. Clara ang tanggapan ng grupo kung saan naroon ang isang malaking lote na pag-aari ng isang alyas “Tan” na pinaglalagyan ng mga nakaw na petroleum products.

Maliban sa loob o premises ng PPA sa Batangas port, ang isa pang taguan ng ninakaw na tankers ng petro products ay sa tapat ng Maquiling depot sa Barangay naman ng isang Kapitana sa Balagtas, nasa Batangas din.

Bukod sa pagnanakaw ng mga produktong petrolyo, grupo rin ni Buloy ang itinuturong sa multi-million “tong collection” sa mga illegal parking at illegal terminal sa Batangas port at central terminal sa lungsod ng Batangas.

Ang aktibidad ng grupo ni Buloy ay lantaran pero ang nakakapagtaka at hindi maarok ng mga taga-Batangas ay tila walang pakialam ang kanilang PD na si Belmonte at maging ang hepe ng city director ng Batangas City Police na si P/LtCol. SHamgar Valdez.

Aba, kung hindi magawa nina Belmonte at Valdez ang kanilang trabaho at responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanila, dapat magresign na sila – iyan ay kung matitira pa silang prinsipyo at delicadeza.

Ang Buloy group na may paihi operation sa iba pang lugar sa rehiyon ay protektado ng isang active top police official na matagal nang nakatalaga sa Police Regional Office 4A at ayaw umalis dahil sa pinagkakakitaan sa bahaging ito ng Southern Luzon.

Previous articleNSCR NA PAPALIT SA PNR, MAS LIGTAS, MAS MABILIS AT EPISYENTE
Next articleRASYONAL NGA BA?