Home HOME BANNER STORY 7 Visita Iglesia Destinations, alamin!

7 Visita Iglesia Destinations, alamin!

Naghahanap ka ba ng mga simbahan around Metro Manila na pwede mong maisama sa listahan ng iyong papasyalan, sa Visita Iglesia?

Narito ang suggestions ng Remate Online na mga simbahang pwede mong madalaw sa iyong paggunita ng Semana Santa.

If going around the City of Manila, marami ka na agad malilibot sa lungsod na historical talaga!

Manila Cathedral – Ang simbahang ito ay itinatag noong 1954 hanggang 1958 sa ilalim ng pangunguna ni Filipino architect Fernando Ocampo. Sa kabila na napinsala ito sa World War II ay naibalik ang ganda nito sa kasalukuyan sa serye ng renovation at pagsasaayos.

San Agustin Church – Kalapit naman ng Manila Cathedral, nasa loob pa rin ng Intramuros ay pwede mo na ring isama sa Visita Iglesia ang simbahang ito na maituturing na “oldest stone church” sa Pilipinas. Ito ang isa sa dalawang simbahang nakatayo pa rin sa Maynila matapos ang World War.

Binondo Church – Ilang kembot naman mula sa Intramuros, let’s go to Binondo and visit Binondo Church! Ang simbahang ito ay kilala rin sa tawag na Minor Basilica of St. Lorenzo Ruis at Our Lady of the Most Holy Rosary Parish. May kakaibang kulay at disenyo ang simbahang ito, kaya must-see talaga!

Sta. Cruz Church – After mong bagtasin ang Ongpin, this will lead you to Sta. Cruz Church, siyempre sa Sta. Cruz Manila! Binuo ang simbahang ito noong 17th century ng mga Jesuits, at sumailalim sa reconstruction noong 1950s.

Quiapo Church – Sino ba naman ang hindi makakalimot na daanan ang Quiapo Church sa iyong Visita Iglesia? Pwedeng-pwede at makita ang Itim na Nazareno, sa araw na ito… for sure ay marami ring mga aktibidad kaya talagang worth-it ang iyong pag-Visita Iglesia!

San Sebastian Church – Pagkagaling mo ng Quiapo, one jeep away is the San Sebastian Church na kilala rin sa pagkakaroon ng Gothic Revival architecture sa Pilipinas. Nakumpleto ang simbahang ito noong 1891.

Immaculate Concepcion Cathedral of Cubao – Sadly, walang biyahe ang LRT today pero pwede ka namang mag-jeep on the way to this church! Our 7th destination. Ang simbahang ito ay bahagi ng isang malaking farming community bago ang World War II at itinayo noong 1935.

Actually, marami pang mga simbahan ang maaari mong mabisita sa iyong Visita Iglesia, kaya Google and Google Map is your friend!

Siguruhin na ang iyong Visita Iglesia ay hindi ginawa para lamang may pang-OOTD ka o IG pics, kundi tiyakin na si Hesus ang ating aalalahanin sa panahong ito, the reason for the season ika nga! RNT/JGC

Previous articleBiyernes Santo: Kapatawaran hanggang sa dulo
Next articleALAMIN: Tradisyon sa Pilipinas tuwing Semana Santa