Home OPINION MAHIGIT 500 SA BAWAT 100,000 FILIPINO MAY SAKIT NA TB

MAHIGIT 500 SA BAWAT 100,000 FILIPINO MAY SAKIT NA TB

220
0

SINABI ni DOH o Department of Health Secretary Teodoro Herbosa na base sa ulat nitong December 31, 2023, may 612,534 na kaso ng Tuberculosis sa bansa o ratio na 549 cases sa bawat 100,000 population ng bansa.

Nababahala ang kagawaran dahil lubhang mataas ang bilang na ito sa 439 kaso sa bawat 100,000 Filipino noong taong 2022.

Sa ulat ng WHO o World Health Organization noong 2022, sinabi nitong isa ang Pilipinas sa mga bansang may “most reduced cases” ng TB. Pero sa pinakabagong “Global TB Report 2023”, ang bansa ay napabilang sa walong bansa na sa dalawang hanggang ikatlo ng may TB cases sa buong mundo.

Para kay Secretary Herbosa, ang lockdown na ipinatupad sa kasagsagan ng COVID-19 ang isa sa mga dahilan dahil nagkaroon ng hawaan sa loob mismo ng mga tahanan.

Aniya, dahil karamihan na maliit ang mga bahay ng nakararami, hindi na na-isolate o naihiwalay ang mga may TB at walang karamdaman.

Karamihan din aniya ng mga may TB ang hindi nakumpleto ang kani­­lang gamutan sa ilalim ng TB DOTS o di­rectly-observed treatment at short cour­se, na karaniwan ay ginagawa sa mga health center.

Nakatakdang magpatawag ng koordinasyon ang DOH sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor para maisagawa ang “communication, coordination and collaboration” para la­banan ang TB.

Nababahala rin ang DOH na na­natiling mataas ang bilang ng mga Pi­lipino na bansot na nasa 26.7% o isa sa bawat limang bata.

Bilang tugon, inilunsad ng kagawaran ang PPAN o Philippine Plan of Action for Nutrition 2023 to 2028 na nagnanais matugunan ang mga problema sa malnutrisyon na nakasentro sa pagkabansot, obesity, micronutrients de­ficiencies at poor diet.

Maliban sa pagkabansot, problema rin ang obesity na nasa 3.9% na lalong tumataas sa 14% sa adolescent period.

Pangunahing problema naman ng kababaihan ang nutritional anemia o kakulangan sa iron ng nasa 50% sa general women population, 23% sa mga buntis, at 10% sa reproductive health.

Ang kasalukuyang PPAN na siyang panglabing-isa na simula taong 1974 ay naglalaman ng mga polisiya at estratehiya para sa iba’t ibang stakehol­ders at duty-bearers mula sa pamahalaan, non-government organizations, de­ve­lop­ment partners, academies, local govern­ment units at nasa pribadong sektor.

Isa sa mga prioridad ng Marcos administration ay nakasentro sa nutris­yon ng mga buntis, bagong panganak at bagong silang na sanggol kaya isinasama sila sa food stamp program ng DSWD o Department of Social Welfare and Development na tatagal ng isang daang araw.

Katuwang ng DOH sa pagpapatupad ng PPAN ang DSWD at ang DILG o Department of the Interior and Local Go­vernment.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here