Home OPINION TAMA ANG DESISYON NI PBBM

TAMA ANG DESISYON NI PBBM

183
0

MARAMI ang “nakahinga nang maluwag” matapos ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na ‘stop’ muna ang planong ‘rehabilitation’ ng kahabaan ng EDSA, ang ‘main artery’ ng trapiko at komersyo sa Metro Manila.

“Napasabay” pa sa pagpayag ng Korte Suprema na ibalik na ang ‘NCAP’ o No Contact Apprehension Policy na ipatutupad ng Metro Manila Development Authority na kasama ang EDSA at ‘color coding scheme’ na tatagal nang buong 24-oras, tama ang obserbasyon ni Sen. JV Ejercito na hindi lang “magulo,” bagkus, “malaking gulo” ang gustong mangyari ng mga “masasabaw ang utak” na sa panahong ito “ayusin” (read: gibain) ang EDSA.

Sabihin pa, ang desisyon ni PBBM ay patunay sa kanyang sinabi na “naririnig” niya ang sinasabi ng taumbayan na interes at kapakanan muna nila ang asikasuhin ng gobyerno. Ang “problema” lang, “tulog” yata sa “pansitan” ang mga bosing d’yan sa Department of Public Works and Highways kaya hindi narinig ang ‘policy directives’ ni Pangulong Marcos?

Isa pang dapat aksyunan ni President Bongbong ay ang desisyon na isara ang kahabaan ng San Juanico Bridge epektibo ngayong linggo na ayon pa kay Tacloban City mayor, Alfred Romualdez, pinsan ni PBBM, ay desisyon na gumulantang din sa kanila.

Take note: Ang tulay ng San Juanico naman ang ‘lifeblood’ ng transportasyon Mula sa Luzon patungong Samar at Leyte hanggang Mindanao kaya “terible” ang perwisyong dulot nito sa ating mga kababayan sa mga nasabing lugar at sa ating ekonomiya.

Hmmmm. Ang ganito kayang mga “bara-barang” desisyon ng ilang mga “matatalino” sa DPWH na hindi pinag-aralan at walang alternatibo para sa ordinaryong takbo ng buhay ng ating mga kababayan ang isa sa mga dahilan kaya ‘on the way out’ na umano si DPWH Secretary Manuel Bonoan? Sabi pa nga ng mga miron, mayroon nang ‘shortlist’ ang Palasyo kung sino ang kapalit niya, ganern?!

Kung ‘prerogative’ ni PBBM na italaga si dating Criminal Investigation and Detection Group director PGen. Nick Torre, aba’y ‘prerogative’ din niya na palitan ang mga kontrobersyal at ‘NPA’ (non-performing asset) sa kanyang Gabinete.

Oops! Hindi natin sinasabing ‘NPA’ si Sec. Bonoan, hane? Tingnan na lang din natin kung sisibakin nga siya bago tayo magkomento ulit, hehehe.

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here