Home OPINION 100+ YUNIT BAGONG 4PH BAHAY, NAILIPAT NA SA KWALIPIKADO MIYEMBRO...

100+ YUNIT BAGONG 4PH BAHAY, NAILIPAT NA SA KWALIPIKADO MIYEMBRO NG PAG-IBIG FUND

303
0

NITONG Setyembre 29, 2025, iginawad ng Pag-IBIG Fund, De­partment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga bagong pabahay sa mga kwalipikado at gra­duating na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Prog­ram (4Ps) na aktibong miyembro rin ng Pag-IBIG Fund.

Idinaos ang turnover ceremony sa Abuab Housing Project sa San Mateo, Rizal, na nagsilbi ring panimula ng obserbasyon ng National Shelter Month 2025. Ito ay tugon sa direktiba ni Pre­sident Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., na masiguro ang ligtas, disente, at abot-kayang pabahay para sa lahat ng Filipino. Ipinakita rin ng nasabing programa ang matibay na pagtutulungan ng mga ahensiya ng pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan upang mapala­wak ang akses sa maayos na pabahay sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH).

Binigyang-diin ni DHSUD Secre­tary Jose Ramon Aliling ang kahalagahan ng inter-agency coo­peration para maisakatuparan ang mga layunin sa pabahay ng administrasyon.

Kinatawan ng Pag-IBIG Fund, si deputy chief executive officer Alexander Hilario Aguilar, ay nag­patunay na maaaring makakuha ng sariling unit ang mga kuwalipikadong miyembro sa Abuab Towers, na mag-aalok ng kabuuang 4,330 condominium units.

Para sa 24-square-meter unit, ang buwanang hulog ay ka­singbaba ng Php 6,201.81 at maaari pang bumaba sa Php 4,849.38 sa tulong ng subsidiya ng DHSUD.

Higit 100 benepisyaryo ng 4Ps ang nakatanggap na ng Notice of Approval para sa kani­lang Pag-IBIG housing loans, at ilan sa kanila ay personal na tumanggap ng kanilang mga yunit sa seremonya.

Patuloy na naglilingkod ang Pag-IBIG Fund sa mga miyembro sa buong bansa sa pama­magitan ng iba’t ibang benepisyo kagaya ng savings programs, multi-purpose loans, at iba’t ibang hou­sing modalities sa ilalim ng Expanded 4PH Program.

Upang mailapit ang serbisyo sa komunidad, nagpadala rin ang Pag-IBIG Fund ng Lingkod Pag-IBIG on Wheels (LPOW) sa nasabing pagtitipon.

Nagbigay ito ng agarang tu­long para sa membership registration, housing loan inquiries, at iba pang programa.

Ang turnover sa San Mateo ay nagsisilbing mahalagang hakbangin sa pinagsanib na pag­­sisikap ng DHSUD, DSWD, Pag-IBIG Fund, at lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang layunin ng pamahalaan na mabig­yan ng disenteng tahanan ang bawat pamilyang Filipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here