Home OPINION PINAS, SAAN DADALHIN NG MGA RALLY?

PINAS, SAAN DADALHIN NG MGA RALLY?

255
0

LIMA ang grupo na nagtipon-tipon sa Metro Manila kaugnay ng laban sa korapsyon at agawan sa poder sa pamahalaan.

May laban sa korapsyon lang at walang sinisisi o pinananagot lalo na ang mga makapangyarihan sa Kamara, Senado at Palasyo, may laban kina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte, may pro-PBBM, may pro-VP Sara at may pro-dayuhan.

Sa unang grupo, sinasabi ng iba na hilaw na hilaw ang kanilang pananaw dahil napakalinaw umanong may mga napakalalaking pagnanakaw at pang-aabuso ng kapangyarihan pero wala silang pinananagot na mga magnanakaw at abusado.

Ang ikalawang grupo, malinaw na may sariling interes na lihis sa karaniwang systema at gusto nilang ipilit ang kanilang kagustuhan simula’t sapul.

Ang ikatlo, sinasabing nabubulag sila sa katotohanan ng ng mga pagnanakaw at pang-aabuso habang ang ikaapat, pangunahin kagustuhang nilang ihalili si VP Sara kay PBBM sa anomang oras na bibitiw o pagpapalis ito sa anomang paraan sa mga araw na ito o sa halalang 2028 dahil pa rin sa rin sa mga grabeng nakawan at pang-aabuso sa pwesto ng pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan.

Mayroon lang isang hindi gaanong napapansin: Ang pakikialam ng mga dayuhan gaya ng kumilos noon upang mapatalsik si ex-President Manong Ferdie Marcos.

Kaya naman, isa ang pwersang ito na kumikilos din at rumerenda sa mga grupo ng mga ralyista na sumusunod dito.

Dahil nagkahati-hati ang mga mamamayan at walang pagkakaisa, maaaring mabalewala ang lahat ng kagustuhan ng higit na nakararami para sa pagbabago.

Ang katotohanan kasi, mga brad, malinaw na may mga hindi lang korapsyon kundi pandarambong at may mga nasa likod ng mga kabulukang ito.

Ang pagsibak sa pwesto at pagpapanagot sa mga magnanakaw at abusado dapat ang diwa ng mga rally.

Ngunit kung hati-hati ang lahat at may mga makapangyarihang dayuhang nakikialam na sinusunod ng mga raliyesta, saan patutungo ang Pinas?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here