Home OPINION ‘AMIGO’ AT ‘LUCKY’, UNTOUCHABLE PAIHI KINGS SA CALABARZON

‘AMIGO’ AT ‘LUCKY’, UNTOUCHABLE PAIHI KINGS SA CALABARZON

KAMAKAILAN, ipinatawag sa Kongreso ang mga matataas na opisyal ng Police Regional Office 4A hinggil sa namamayagpag ng operasyon ng iligal na sugal sa  bahaging ito ng Southern Luzon.

Dahil sa Congressional inquiry na ito nina Laguna Rep. Dan Fernandez  at Rizal Rep. Romeo Acop  ay tumiklop ang illegal gambling operations kaya huminto rin ang daloy ng “tongpats’” sa CaLaBaRZon area.

Siyempre, deny to death ang mga PR04A official sa mga tanong nina Fernandez at Acop kung may alam ang mga ito sa nagkalat  na jueteng, lotteng at iba pang sugal sa kanilang area of jurisdicton.

Pero ‘di man umamin, hindi ipinanganak kahapon si Fermandez, lalo na si Acop na  isang magaling na retired general para maniwala  sa ‘di pagsasabi nang totoo ng ipinatawag na police officials.

Sa ngayon, pahinga ang illegal gambling sa PRO 4A matapos ang dekadang pamamayagpag, maliban sa ilang ‘gambling lord’ na ‘di takot sa raids ng kapulisan at iba pang operating units ng pamahalaan.

Ngunit alam kaya ng dalawang mambabatas na bukod sa gambling ay may mas matinding ‘vice syndicate’ na baul ng tongpats, pinagkakakitaan ng mga tiwaling opisyal sa naturang rehiyon.

Kaya kung sa tingin nina Fernandez at Acop ay dapat ang Congress probe sa gambling, mas kailangan sigurong imbestigahan ang malawakang paihi o buriki operation sa maraming lugar sa CaLaBaRZon.

Iba’t ibang personahe ang nagpapatakbo ng nasabing ‘illegal petroleum business’ pero ang tandem ni ‘Amigo’ at ‘Lucky’ na untouchable ‘paihi kings’ sa PRO 4A ay protektado ng mga korap na mga opisyal ng nasabing rehiyon.

Sina Amigo at Lucky ay may paihi din sa  bypass Road, Barangay Dalig, Batangas City, bukod pa sa burikian din sa tabi lamang ng Phoenix gas station sa Candelaria at Brgy. Talim sa Lucena City, kapwa sa Quezon province.

Isa pang untouchable na paihi lord ay si ‘Buloy’ na may kasosyong dalawang pulis na ang burikian ay sa Brgy. Sta. Clara, katabi ng Philippine Port Authority office at Makiling depot sa Brgy. Balagtas, Batangas city.

Dapat ay isalang din sa Congressional inquiry sina Batangas Police chief P/ LtCol. Shamgar Valdez, Batangas Police Provincial director  P/Col Samzon  Belmonte at  P/Col Ledon Monte, PD ng Quezon.

Dapat na pagpaliwanagin nina Acop at Fernandez ang  PRO 4A officials na ito hinggil  sa ‘di natitigil na malawakang paihi operation sa kanilang area of responsibility o AOR na dahilan nang pagkawala  ng bilyon pisong buwis na dapat ay napupunta sa kaban ng bayan.

Previous articleRD NARTATEZ, WALANG HILIG “MAGPAPOGI”
Next articleANG LIBING NI KUMANDER COBRA