Home OPINION RD NARTATEZ, WALANG HILIG “MAGPAPOGI”

RD NARTATEZ, WALANG HILIG “MAGPAPOGI”

HALOS dalawang linggo na lang ay matatapos na ang extension na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Philippine National Police chief P/Gen Benjamin acorda Jr., na dapat sana at retirado na noong Disyembre nang nakaraang taon.

Subalit pinagkalooban nga siya nang hanggang Marso 30 upang manungkulan pa sa pamahalaan marahil ay bunga ito nang wala pang napipiling papalit sa kanya.

Kabilang sa nakalinya na papalit sa puwesto ni Acorda ang regional director ng National Capital Region Police Office na si PMGen Jose Melencio Corpuz Nartatez Jr.

Maraming naghahangad sa posisyong babakantehin ni Acorda kaya naman halos nagkakandarapa ang maraming heneral na makuha nila ang pwesto ng pinakamataas na opisyal ng PNP.

Siyempre, upang mapansin ng Malacanang, kailangang gumawa ng gimik ang karamihan sa mga naghahangad na ito. Mayroong ilan na may kanya-kanyang alagang mediaman na naglalabas ng kung ano-anong artikulo para lang pumogi at pag-interesan ng Palasyo.

Sa madaling salita, ang mga ito ay nagpapapansin kay Pangulong Marcos upang masungkit ang pinakamimithing pwesto.

Ang iba nga, para lang masira ang imahe ng mga kalaban nila sa posisyon, nagpapalabas ng ‘demolition job’ nang sa ganoon ay hind imaging balakid sa pagkuha nila ng pwesto.

Habang ang iba nga, puro papogi ang ginagawa at nagpapansin sa Malacanang na batid naman nilang ito ang nagbibigay ng approval sa pagpuwesto ng mga heneral.

Pero hanggang Marso 30 na nga lang ba si Acorda? O panibagong ekstensyon ang ipagkakaloob dito ng Palasyo? Ito ay kung nagugustuhan ng mga “boss” ang kanyang performance.

Itong RD-NCRPO, sobrang qualified at kung backer din lang ang pag-uusapan, hindi naman pahuhuli dahil ito ay talagang tubong Ilocos, sa madaling salita “Genuine Ilokano” o GI.

Marami ang nagtutulak o handang magbigay ng “back-up” kay Gen. Tateng (tawag kay Nartatez) sa mga nasa pwesto sa pamahalaan lalo na ang malalapit kay Pangulong Bongbong.

Pero tahimik lang itong si Nartatez at hindi nagpapasikat. Kasi, kung sa iba-iba itong RD ng NCRPO, panay papogi ang gagawin nito lalo pa’t marami naman talagang accomplishment ang kanyang tanggapan.

Wala tayong magagawa, dahil hindi matakaw sa publicity itong si Gen. Tateng na bukod sa tahimik lang ay tila mahiyain o baka naman ayaw lang talaga na pinag-uusapan siya.

Sa sarili siguro ni Nartatez, hindi na niya kailangang magpapogi dahil ‘pogi’ siya  ‘in  the real sense’. Bakit? Tall, dark and handsome naman talaga ang RD na ito at simpleng tao lang pero madalas ay mapagkamalang suplado dahil sa pagiging tahimik at tila mahiyain.

Isang patunay na hindi takaw publicity si Nartatez ay ang hindi niya pagsasamantala na iprisinta sa mga mamamahayag ang tatlong extortionist na nahuli sa Pasay City. Ang tatlong ito ay nangungulimbat ng pera o namimilit na makakuha ng pera sa mga tao gamit ang pangalan ni First Lady.

Kung sa iba-iba iyon, tiyak na sinamantala na nito ang pagkakataon na magpapogi upang sa gayon ay mas lalong bumango ang kanyang pangalan sa administrasyon.

Pero ibang klase nga itong RD na ito. Hindi niya ugali ang magpapogi. Ang gusto niya, mapili siya dahil karapat-dapat siya sa puwesto dahil sa kanyang angking galing at talino at iba pang katangian na dapat taglay ng pinakamataas na opisyal ng PNP.

Advance Happy Happy Birthday na rin kay PMGen Nartatez na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Martes, March 19.

Previous articlePHILHEALTH “CLICK TO CALL” HOTLINE 24/7 NA
Next article‘AMIGO’ AT ‘LUCKY’, UNTOUCHABLE PAIHI KINGS SA CALABARZON