Home OPINION PHILHEALTH “CLICK TO CALL” HOTLINE 24/7 NA

PHILHEALTH “CLICK TO CALL” HOTLINE 24/7 NA

Inanunsyo ng PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation na bukas na sa publiko ang hotline nito na (02) 8862-2588 at matatawagan anomang oras kahit na weekend o holiday.
Ang mga MIYEMBRO ng PhilHealth na may mga katanu­ngan tungkol sa membership o benefits ay maaaring tumawag sa 24/7 hotline, upang makuha agad ang mga sagot sa kanilang mga katanungan, lalo na ang mga nangangailangan ng agarang pagtugon.
Ayon kay PhilHealth President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr., “Ang serbisyo na ito ay maaari nang magamit lalo na ng mga kababayan nating OFWs anomang araw at oras. Hindi na nila kailangan pang maghintay sa pagbubukas ng tanggapan ng PhilHealth dito sa Pilipinas.”
Inilunsad din ng PhilHealth ang “Click to Call” channel kung saan maaaring pindutin ang “click to call” logo sa kanang-           ibabang bahagi ng website ng ahensya para may makausap na live agent. Ang serbisyong ito ay bukas din 24/7.
Maaari ring mag-request ng callback ang mga miyembro. I-text lamang ang “PHICallback” <space> mobile number na tatawagan <space> “ang inyong katanungan” sa 0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987 at 0917-1109812.
Nagpaalala naman si Ledesma sa mga miyembro na gagamit ng callback channel na maging maingat at siguruhing lehitimong empleyado ng PhilHealth ang kausap. “Upang maiwasan na malinlang ng mga mapagsamantala na ang pakay ay pagnanakaw ng mga personal na impormasyon, tanungin muna sa ahente ang ilang detalye tulad ng petsa kung kailan nag-request ng callback ang miyembro.”
Dagdag pa ni Ledesma na ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng layunin ng PhilHealth na pagpapabuti ng kanilang serbisyo upang ang mga miyembro ay maging updated sa kanilang health insurance benefits.
Hinihikayat din niya na bumisita sa www.philhealth.gov.ph/ at i-follow ang Facebook page na @Philhealth Official at X account @teamphilhealth upang masubaybayan ang mga bagong impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng PhilHealth.
Kung nais ninyong malaman tungkol sa mga karagdagang benepisyong inaprubahan ng PhilHealth, makinig o manood sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” tuwing Huwebes (8:00 hanggang 9:00 ng umaga) sa DWBL 1242 kHz, Am band o kaya sa YouTube channel “Hilda Ong Agarang Serbisyo Lady”. Huwag kayong mag-atubiling magpadala ng mensahe sa ating mga social media account at asahan po na ipararating namin ito sa PHILHEALTH.
Ito ay bahagi ng ating pagbibigay ng serbisyo publiko at sa hangarin ng PHILHEALTH na kayo ay mapaglingkuran.

Previous articlePBBM umaasa sa partisipasyon ng Bosch sa PUV modernization program ng Pinas
Next articleRD NARTATEZ, WALANG HILIG “MAGPAPOGI”